Gwen Zamora on alleged falling-out with Ellen Adarna over breakup issue: ‘We’re fine’
Binigyang-linaw ni Gwen Zamora ang balitang nagkaroon sila ng falling-out ng isa sa itinuturing niyang best friend na si Ellen Adarna, na diumano'y bagong girlfriend ng dating boyfriend.
“Saan naman nanggaling ‘yan? We’re fine. Nagkita nga kami last week,” aniya.
So, hindi totoong nagkaroon ng agawan o nag-overlap ang relasyon nila ni Raymund sa diumano’y relasyon nito ngayon kay Ellen?
Paglilinaw ni Gwen, “Naging issue siya without actually being an issue, so huwag na nating gawing isyu. Doon lang yun.”
Muli naming tinanong kay Gwen ang tungkol sa isyu sa kanila ni Ellen dahil nagkakaroon nga ng impresiyon na hindi na sila okey.
“Paano niyo nakuha yung impression na yun?” nakangiting tanong niya.
Sinabi namin kay Gwen na may ilang larawan na lumabas sa Instagram na magkasama sa ilang pagkakataon ang dati niyang boyfriend at si Ellen, pero na-delete ang ilan dito at lumabas din sa ilang balita sa social media.
Sabi naman ni Gwen, “Meron ba kaming mga hate post na nilagay?”
Break-up
"Ex" na kung tawagin ni Gwen si Raymund kaya malinaw na break na nga sila.
Pero gaano katagal na silang wala?
“Wala na talaga... siguro mga six, five months,” pag-amin niya.
Ayon pa kay Gwen, “Siyempre, hindi ko pinublicize. Why would I? I’m single. Hello?!”
Nakapag-move on na siya?
Sagot niya, “Yeah, I’m happy now. Seriously, I’m in the happiest I’ve ever been.”
Moving on
Pagkatapos ng halos kalahating taon na ring hiwalay sila, nasa estado na ba siya na handa nang muli sa panibagong relasyon?
Sagot ni Gwen, “Whatever comes along will come along. Hindi naman sa gusto kong maging single. If something happens, e, di something happens. Pero hindi ko pipilitin. Hindi yung maghahanap ako, 'Hi, what’s your number? Call me!'” natatawang sabi niya.
Hindi ba niya nami-miss na may karelasyon?
“Well, I’m hanging out with a lot of my friends. I’m catching up with my friends. I’ve been traveling a lot. Nagpunta ko ng Sagada, Coron, nag-Caramoan kami for Bubble Gang. I’m going to Iceland on October."
“You know how nice it is to have time for yourself. If someone comes, e, di yun. But I don’t feel any pressure right now!” natawa pa niyang sabi.
Civil with ex
Tatlong taon din ang naging relasyon nila ng dating boyfriend. Ano ang ginagawa niya para makapag-move on?
“Depende rin sa breakup. But I don’t think that’s something na you can tell. Kasi, kapag okey ang breakup, siyempre, okey ka na. Kung hindi, I’m sure if it’s a bad breakup, maloloka ka nang konti. I don’t know, hindi pa naman ako naka-experience ng bad breakup talaga.”
Magkaibigan ba sila ngayon ng dati niyang boyfriend?
“Kung makita ko siya, hello,” sagot ni Gwen.
Wala na ang komunikasyon?
“Ano naman ang pag-uusapan namin?” natawa niyang sabi. - Pep.ph