Months after their baby's birth, Ara Mina confirms relationship problems with Patrick Meneses
Kinumpirma ni Ara Mina na may pinagdadaanang pagsubok ngayon ang relasyon nila ni Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.
Nitong Lunes, April 6, mabilis na kumalat ang balitang hiwalay na raw sina Ara at Mayor Patrick.
Pero nanatiling tikom ang magkabilang kampo tungkol sa isyu sa kabila ng pagpapadala ng mensahe ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanila.
Huling namataang magkasama sina Ara at Mayor Patrick sa binyag ng kanilang anak na si Amanda Gabrielle noong March 17, 2015.
Binasag na ni Ara ang kanyang katahimikan tungkol sa isyung ito, sa pamamagitan ng statement na ipinadala ng publicist niyang si Leo Bukas sa PEP ngayong Martes hapon, April 7.
Dito ay inamin niyang may pinagdadaanan nga sila ngayon ng ama ng kanyang anak.
Ngunit nananalig si Ara na malalampasan nila ang pagsubok na ito.
Narito ang buong pahayag ni Ara:
“Para sa mga kaibigan at tagasuporta namin ni Pat, maraming salamat sa inyong concern.
"Ang aming pinagdadaanan sa ngayon ay bagay na hindi lamang sa amin nangyayari as a couple."
“Ito ay isang pagsubok na nararanasan ng mga taong nagmamahal at nasa isang relasyon. Kung anuman itong pagsubok na aming hinaharap sa ngayon, naniniwala akong malalampasan namin ito."
“Hinihiling ko po ang inyong malalim na pang-unawa at mataimtim na dasal alang-alang sa aming anak. Maraming salamat po.” - PEP
For more showbiz stories, visit PEP.