Marian Rivera mum about rumored pregnancy
Nananatiling tahimik ang kampo ni Marian Rivera, maging ang asawa niyang si Dingdong Dantes, sa kumalat na balitang buntis na raw ang Kapuso Primetime Queen.
Pagkatapos lumabas sa isang gossip blogsite ang balitang kumpirmadong buntis na si Marian ay sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng pahayag ang ilang malalapit na tao sa aktres at kay Dingdong.
Ngunit wala silang kumpirmasyon o pagtanggi kaugnay ng balita.
Ang sabi lang nila, magsasalita rin sa tamang panahon sina Marian at Dingdong kung totoo o hindi ang balita.
Sa Martes, April 14, ay nakatakdang humarap si Marian sa press para sa kanyang bagong endorsement. Dito ay inaasahang magsasalita na ang aktres tungkol sa balitang buntis siya.
Ngunit nauna nang sinabi ni Marian sa isang interview niya sa PEP na gusto niyang ngayong taon na sila magkaanak ni Dingdong.
Pahayag niya, “Siyempre, 'di ba, kahit gustuhin mo, pero 'di pa Niya call at hindi pa rin time, wala talaga.
“Pero siyempre, gusto namin sana this year.”
Ngunit dagdag niya, “Ayaw ko muna siya pangunahan.
“Sa ngayon, ine-enjoy namin together ang pagiging mag-asawa.
"Looking forward kami na magkaanak this year, 'tapos dasal."
Kung sakaling totoo ngang nagdadalantao na si Marian, tiyak na maaapektuhan kahit papaano ang sinisimulan na niyang bagong primetime series sa GMA Network, ang The Rich Man's Daughter.
Si Dingdong naman ay napapanood na sa teleseryeng Pari 'Koy.
Ikinasal sina Marian at Dingdong noong December 30, 2014. -- PEP
For the full story, visit PEP.