ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Shirley Kuan, inaming kinumpronta niya si Georgina Wilson
By ROSE GARCIA, PEP
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

(Inuulan ng batikos ngayon ang model-TV host na si Georgina Wilson dahil sa pagbitaw sa kanya ng talent manager na si Shirley Kuan, pagkatapos pumirma ni Georgina sa isang telecommunications company nang hindi raw nagpapaalam kay Shirley. Photo: Georgina Wilson's Instagram account)
Inamin ng talent manager na si Shirley Kuan na kinumpronta niya si Georgina Wilson kaugnay ng pagbitaw niya bilang manager ng model-TV host.
Matatandaang pumutok noong Sabado, April 18, ang balitang binitawan na ni Shirley si Georgina dahil diumano sa breach of contract, pagkatapos pumirma ng model-TV host ng kontrata sa isang telecommunications company nang wala siyang approval.
Dahil dito ay maghahain ng formal complaint si Shirley laban kay Georgina.
Noong Sabado rin ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Shirley, at dito nga niya sinabing nagkausap sila ng dating alaga tungkol sa isyu.
Sabi ng talent manager, “Face to face this morning.
“Siyempre, confrontational ako, ‘di ba? Because I hold the truth.”
NEGATIVE ISSUES. Sunud-sunod ngayon ang paglabas ng mga negatibong kuwento tungkol sa working attitude diumano ni Georgina, lalo na ang tungkol sa pagiging unprofessional daw nito.
Maging ang pagiging host niya ng Asia’s Next Top Model ay nabigyan ng mga puna.
Sa isang gossip blogsite, lumabas ang isang larawan ni Georgina habang nagdyi-gym at may hawak na cell phone.
Kuha diumano ang nasabing larawan noong April 16.
Sa Instagram account ni Georgina, isang linggo na ang nakalilipas, nag-post siya ng iniendorsong Samsung SG at may caption na, “I made the big switch!”
Kaya may mga nagkuwestiyon na bakit daw iPhone brand pa rin pala ang ginagamit nito.
Maliban dito, napuna rin ng ilang netizens ang suot niyang rubber shoes.
May nagkuwestiyon na bakit daw ibang brand ang suot nitong sapatos sa halip na Converse na siyang iniendorso niya.
Pero ang tila mas nagmarka sa mga nakakita ng larawan ni Georgina habang nagdyi-gym ay ang katawan nito.
Marami ang nagulat kung bakit may bilbil siya, hindi katulad ng mga larawan niya sa photo shoots kung saan payat siya.
STILL MUM. Sa ngayon, nananatiling tahimik si Georgina tungkol sa pagbitaw sa kanya ni Shirley.
Nang subukan ng PEP na kunin ang kanyang panig sa isang event kamakailan, sinabi ni Georgina na hahayaan na lang niya ang kanyang legal counsel na sumagot sa mga isyu.
Gayunpaman, mananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag ni Georgina tungkol sa isyung ito. -- For the full story, visit PEP.
Tags: georginawilson
More Videos
Most Popular