ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Carl Guevara denies rumor that he's the new boyfriend of Vice Ganda


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tinanong ng PEP.ph si Carl Guevara tungkol sa isyu na inili-link siya kay Vice Ganda.

Mabilis niyang tanggi, “Wala. Before, naka-same condo kami pero ang tagal na nun, 2010 pa.

“Yung dito sa... diyan sa Scout [area sa Quezon City].

“Nakakasabay ko siya sa elevator."

Si Carl diumano ang itinatagong tunay na boyfriend ni Vice Ganda.

“Talaga? Hindi ako yun,” at tumawa si Carl.

“Hindi ako yun.”

Ngayon daw ay hindi na sila sa same building nakatira.

Paglinaw pa niya, “Iba na rin ang condo ko.

“'Tsaka ang tagal na nun, 2010 pa yun, e.

“Kakalipat ko lang ng GMA, kasama ko si Perry [Lansigan, Carl’s manager] maghanap ng condo.

“Tinutulungan niya ako nun maghanap ng condo.

“'Tapos nakapili ako ng condo, hindi ko alam dun pala si... same condo si Vice. Dun lang kami nagkakilala.”

Kahit raw noong nasa ABS-CBN pa si Carl ay hindi pa niya kakilala si Vice.

Kuwento pa niya, “Hindi ko pa siya nakakatrabaho, hindi ko pa siya nakikita sa ABS. Kasi nung time na yun, GMA na ako, e.” -- PEP

For the full story, visit PEP.