ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gabbi Garcia denies rivalry with Bianca Umali and Ash Ortega: ‘We’re very good friends’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa hanay ngayon ng mga kabataang artistang babae sa GMA, isa si Gabbi Garcia sa sinasabing maaaring pumalit sa trono ni Marian Rivera.
 
“Ay, nakaka-flatter po talaga,” ang reaksiyon ni Gabbi sa obserbasyong ito.
 
“Kasi si Ms. Marian naman po Primetime Queen, so… Sa ngayon po, focused muna ako sa Let The Love Begin and sa InstaDAD. Sana makita rin ng mga tao kung gaano ako ka-dedicated at ka-passionate sa craft ko.”
 
Kung may rivalry dati sa pagitan nina Barbie Forteza at Bea Binene, ngayon naman ay tila sila ni Bianca Umali ang pinagtatapat.
 
May kumpetisyon ba sa pagitan nila ni Bianca na sinasabi ring primetime-queen material?
 
“Sa napi-feel ko, so far naman wala pa naman po akong nae-encounter na ganyan. ‘Tsaka off-cam very close po kami ni Bianca, we’re very good friends. Kahit last year pa, yung hindi pa kami masyadong nalo-launch, before Once Upon A Kiss pa [show nina Bianca at Miguel Tanfelix]."
 
"We’re very good friends and sa ngayon wala po akong nakikitang  ganung level ng kumpetisyon, wala naman po.”
 
IT'S HER TIME. Close din daw sila nila ng InstaDAD co-star na si Ash Ortega, at wala raw inggit kahit pa mas nabibigyan siya ng big breaks ngayon.
 
“Actually very close naman po kami ni Ash kahit nung My Destiny, magka-tent kami, nagkukuwentuhan kami. After ng My Destiny, matagal kaming nawalan ng projects pero magkasama kami sa workshops, sa kung anu-anong guestings."
 
"Never naman kaming nagkaroon ng ilangan, never kaming nagkaroon ng alitan between us.”
 
Orihinal na kapareha ni Ash si Ruru Madrid na ngayon, bilang si Erick, ay kapareha ni Gabbi, bilang si Pia, sa Let The Love Begin.
 
“Alam ko sila po talaga ang AshRu nga, ‘di ba? Sila talaga ang loveteam and, siguro, yung nangyari… Basta po ako ginawa ko lang po talaga yung best ko, especially sa My Destiny. Binigyan ako ng…supposed to be, I was just gonna play a cameo role, I was gonna die talaga sa My Destiny."
 
“Siguro po ang masasabi ko, talagang naging dedicated ako sa work ko and I gave my everything talaga.”
 
Si Ash ay hindi dedicated?
 
“Ay hindi po, wala pong ganun,” at tumawa si Gabbi.
 
Pareho raw sila ni Ash na dedicated sa trabaho, pero bakit tila mas umalagwa ang career ni Gabbi ngayon?
 
“Ang makakasagot na lang po siguro niyan, yung fans, yung mga nanonood. Siguro andun yung time ng bawat artista and siguro may sari-sarili kaming time."
 
“Baka lang mas sinasabi ni Lord na time ko ito. Let’s see, ang ka-loveteam ni Ash ngayon sa InstaDAD, si Juancho Triviño."
 
“I’m pretty sure magkakaro'n din siya ng time niya.” — Rommel Gonzales, PEP.ph