ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ruby Rodriguez's daughter Toni wants to become a sexy comedienne


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Desidido na raw manatili sa showbiz ang newcomer na si Toni Aquino, anak ng TV host at komedyanteng si Ruby Rodriguez, ngayong nagsisimula na ang pagdating na iba't ibang projects gaya na lamang ng isang teen TV series na pagbibidahan niya ngayong taon.

Bukod sa kanyang ina, idolo rin daw ni Toni ang aktres na si Angelica Panganiban dahil sa husay nito sa pag-arte.

Paliwanag niya, “I love her! Comedy na sexy na may spunk po siya."

Sexy comedy rin umano genre na balak pasukin ng showbiz newbie, at handa rin umano siyang magpa-sexy kung mabibigyan ng pagkakataon, ngunit hindi pa para sa men's magazine.

“Willing na willing, (pero) hindi po muna, seventeen, minor pa,” natatawang sagot ng 17-year-old actress.

Hanggang anong pagpapaseksi ba ang kaya ngayon ni Toni?

“Siguro yung abs po muna, 'pag flat na. Nagtatago po ngayon!” biro pa niya.

Nakapagtapos na ng high school si Toni nitong taon sa Quezon City Science High School, at nakatakda siyang mag-aral ng kursong B.A. Social Sciences sa University of the Philippines-Manila. -- PEP

For the full story, visit PEP.