Filtered By: Showbiz
Showbiz

Is he back together with Jennylyn Mercado? Dennis Trillo speaks




Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Dennis Trillo tungkol sa balitang nagkabalikan na sila ng ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado.

Last Holy Week, naging viral sa social media ang larawan ng dalawang Kapuso stars na magkasama sa Balesin Island sa Polillo, Quezon.

Nakapanayam si Dennis ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media mula sa Manila, sa Lenox Hotel, Dagupan City, Pangasinan, nitong Huwebes ng gabi, April 30.

Nasa Dagupan si Dennis para sa ginanap na Kapuso Night bilang bahagi ng pagdiriwang ng Bangus Festival.

Isa si Dennis sa nagbigay-kasiyahan sa mga taga-Pangasinan, kasama sina Kris Bernal at Tom Rodriguez.

Palaging nakangiti at parang may kilig kay Dennis nang tanungin ng PEP at dalawa pang showbiz editors tungkol kay Jennylyn.

Unang napag-usapan ang hilig niya sa pagba-bike sa ngayon.

Noong Holy Week, may nai-post siyang larawan sa Instagram na nagba-bike sa exclusive resort na Balesin.

Pero ayaw niyang kumpirmahin kung ang kumuha sa kanya ng litrato ay si Jennylyn, na balitang nakasama niya sa bakasyon niyang iyon.

Natatawang sabi ni Dennis, “Oo, nagkita kami dun!”

Kaya diretso na namin siyang inusisa kung nagkabalikan na ba ulit sila ng Kapuso actress.

Hindi pa rin direktang sinagot ng aktor ang tanong.

Sabi niya, “Okay kami ngayon. Lumalabas kami. Magkaibigan kami.”

Sagot ni Dennis, “Nakakatuwa. Parang nakalimutan na yung nangyayari dati.

“Masaya lang na may peace of mind.”

Taong 2011 nang maghiwalay sina Dennis at Jennylyn. Diumano, nauwi pa sa pisikalan ang kanilang breakup.

Marami rin ang nagsasabing si Dennis ang tipong hindi nakikipagbalikan sa kanyang ex-girlfriend.

Kabilang sa mga naging karelasyon ng Kapuso actor mula sa showbiz, maliban kay Jennylyn, ay sina Carlene Aguilar, Cristine Reyes, at Bianca King.

Mayroon siyang isang anak kay Carlene—si Calix Andreas, 7.

Pero ayon sa mga tagahanga ng tambalang #DenJen, tila may namamagitan muli sa dating magkasintahan.

Ano ang masasabi ni Dennis dito?

“A, wala pa naman, pero okay kami,” maikli niyang tugon.

Nanliligaw ba siya muli kay Jennylyn?

Sagot ni Dennis, “A... ano lang, kaibigan lang.

“Magkakaibigan lang kami.

"Kumbaga, ini-enjoy lang namin na naayos yung pagkakaibigan namin.

“Pareho kaming natutuwa dun.”

For the full story, visit PEP.