ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ex-beauty queen pregnant with Cesar Montano's baby?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matagal na ang haka-hakang may relasyon diumano ang aktor na si Cesar Montano at si Miss Philippines Earth 2009 Sandra Seifert.
Sa isang panayam noong October 2014 ay itinanggi ni Cesar na may namamagitan sa kanila ni Sandra, maliban sa pagiging churchmate.
Madalas lang daw silang magkasama sa ilang mga lakad, lalo na sa charity works at sa pangangaral nila sa Seventh Day Aventist church.
Ngunit sa kabila ng pagtanggi ng aktor ay hindi pa rin namamatay ang isyung nag-uugnay sa kanila.
Ilang araw bago ang laban ni Manny Pacquaio kay Floyd Mayweather Jr., may mga kumalat na balitang magkasama diumano sina Cesar at Sandra na lumipad patungong Las Vegas, Nevada.
Ayon pa sa mga ulat, manonood daw ang rumored couple ng tinaguriang 'fight of the century" nina Manny at Floyd sa Las Vegas, na ginanap noong May 2 (May 3 sa Pilipinas).
Noong May 1, parehong nag-post sa kani-kanilang Instagram accounts sina Cesar at Sandra ng mga larawan nila kasama si Manny.
Pero wala silang larawang magkasama.
Kaugnay pa rin ng pagkaka-link kina Cesar at Sandra, may kumakalat ding balitang buntis diumano ngayon ang beauty queen at ang aktor ang ama.
Ayon pa sa mga usap-usapan, pagkatapos manood ng laban nina Pacquiao at Mayweather sa Las Vegas, tutuloy raw sina Cesar at Sandra sa Italy—kung saan daw nakatira ang isang kapatid ng aktor—para doon na manganak ang beauty queen.
Samantala, maliban kay Sandra, usap-usapan ding may isa pa raw nabuntis si Cesar.
Ayon sa post sa Instagram ng isang "@dominion21", modelo raw ang isa pang nabuntis ng aktor.
Komento naman ni @butterfinger00000 tungkol dito: “From a reliable source po. Totoong buntis ang dalawang babae. Si Sandra ay sa kapatid ni cesar sa Italy manganganak. Kasama sya ni Cesar sa US ngayon at didirecho sila pa Europe. @dominion21 @ana.stacia15 @teamsunshinecruz"
Marami ring sightings na magkasama sina Cesar at Sandra na ipinost ng naturang Instagram user sa kanyang account.
A photo posted by @butterfinger00000 on
Bagamat hiwalay na si Cesar sa kanyang misis na si Sunshine Cruz, hindi pa naa-annul ang kanilang kasal.
Nagpaabot na ang PEP.ph (Philippine Entertainmenty Portal) ng mensahe sa manager ni Cesar, sa pamamagitan ng text, at kay Sandra, sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, pero hanggang ngayon ay hindi pa sila sumasagot sa aming mga katanungan.
Sa kabila nito, mananatiling bukas ang PEP sa panig nina Cesar at Sandra tungkol sa kinasasangkutan nilang isyu. -- PEP
For the full story, visit PEP.
Tags: cesarmontano, sandraseifert
More Videos
Most Popular