ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Katrina Halili to drop charges vs. Hayden Kho, says Vicki Belo
By RACHELLE SIAZON, PEP
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Hindi na itutuloy ni Katrina Halili kung anuman ang mga kasong isinampa niya laban kay Hayden Kho Jr. kaugnay ng kinasangkutan nilang sex video scandal noon.
Ayon kay Dra. Vicki Belo, napag-usapan nila ang tungkol dito nang pormal na silang nagkaayos nina Katrina at Hayden noong Abril.
Read: Vicki Belo, Hayden Kho, and Katrina Halili bury the hatchet in a private meeting
“Yeah, pinag-usapan namin.
“Alam mo, si Katrina, sabi niya wala naman siyang alam na meron.
“So, sabi niya, whatever is pending, sa-sign-an niya na tapos na lahat.
“So, gusto na rin niya mag-move on, e. May anak na siya,” saad ni Vicki.
Marahil ay isa na rito ang kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act na isinampa ni Katrina laban kay Hayden.
Bagamat ibinasura ito ng mababang korte noong 2009 at ng Court of Appeals noong 2012, nagkaroon ng espekulasyon kung may plano si Katrina na ituloy ang legal battle nila ni Hayden sa Supreme Court.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vicki sa Belo Beautiful 25thanniversary grand launch na ginanap sa Trinoma Activity Center, Sabado ng gabi, May 9.
Dito ay nagpaunlak si Vicki na muling pag-usapan ang tungkol sa paghaharap nila nina Katrina at Hayden, pitong taon mula nang lumabas ang sex video scandal sa pagitan ng Kapuso actress at nobyo ng celebrity doctor.
Naging bukas si Vicki sa pagsasabing noong una ay may pagkakataong nagpatutsada siya nang bahagya kay Katrina, na isa sa mga itinuturing ng una na pinakamalapit sa kanyang celebrity endorser ng Belo.
Paglalarawan pa ni Vicki sa naging pag-uusap nila ni Katrina: “[She is] the same Katrina that I used to know before.
“Very respectful, natatawa nga ako kasi pino-'po' niya si Hayden.
“Tapos sabi niya [Hayden], 'Bakit mo ako tinatawagan ng po?'
“Tapos, you know, I couldn't help myself. Sabi ko, 'Dati pa naman, po siya nang po, e...'
“So, sabi ni Manay [Lolit Solis], ginanun ako [siniko ako] ni Manay.
“Sabi ko, 'Opo Manay. Wala na akong sinabi.'”
Aminado si Vicki na nanariwa ang lahat ng ginawang pagtataksil at pagsira umano nina Hayden at Katrina sa tiwalang ibinigay niya sa mga ito noon.
Umabot din sa puntong lubhang napaiyak si Vicki habang nag-uusap sila ni Katrina.
“It was mixed feelings talaga.
“Masakit pa rin. May turok pa rin.
“Ang feeling ko kasi, gagawin ko 'to 'pag wala na [ang pain]. But I don't think it will ever happen.
“Kasi nung nakita ko si Katrina, parang lumakas ulit, e.
"Akala ko nakalimutan ko na, pitong taon na.
“Pero you know, feeling ko, kung ang Diyos nagpapatawad... ang dami ko rin namang kasalanan.
“So, parang sino ba naman ako para hindi magpatawad?
“Pero umiiyak ako nun, hirap na hirap.” -- PEP
For the full story, visit PEP.
More Videos
Most Popular