ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

John Prats and Isabel Oli tie the knot in Batangas


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ikinasal na sina John Prats, 31, at Isabel Oli, 33, ngayong Sabado, May 16, sa Our Lady of Peace and Good Voyage Parish Church, Balete, Batangas.
 
 

& they are one. ?? #dynamitewedding *iphonepic for now
 

A photo posted by Niceprintphoto (@niceprintphoto) on




Winter ang tema ng disenyo ng simbahan.
 
Bago mag-alas-dose ng tanghali nang magpalitan ng “I Do’s” sina Isabel at John na naging magkasintahan noong February 2013.
 
Ang wedding gown ni Isabel ay gawa ng sikat na American fashion designer na si Vera Wang.
 
Samantala, ang suot ni John ay likha naman ng Filipino designer na si Bang Pineda.
 
Ang nag-make-up kay Isabel ay si Denise Ochoa, na matagal na niyang makeup artist at kaibigan.
 
Ayon kay John, matagal na silang magkakilala ni Isabel pero hindi niya kaagad niligawan ang dalaga na na tubong-Cebu. Nagkasama ang dalawa sa pelikulang It Might Be You noong taong 2004.

September 24, nang mag-propose si John kay Isabel via a flash mob sa Eastwood City.
 
Ang official hashtag ng kanilang kasal ay #DynamiteWedding.
 
THE ENTOURAGE. Ilan sa showbiz friends ng mag-asawa ang naging bahagi ng kanilang entourage. Si Sam Milby ang Best Man at si Angelica Panganiban naman ang Best Woman.
 
Kabilang naman sa mga matron at maids of honor sina Sherilyn Reyes-Tan, Chynna Ortaleza at ang sister ni John na si Camille Prats.
 
Gagawin ang reception sa family farm ng mga Prats sa Batangas.
 
Sa naunang panayam kay John nitong January, sinabi niyang sa ibang bansa nila gaganapin ang kanilang honeymoon.PEP.ph