ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris Bernal on possible romance with Aljur Abrenica: ‘I am open to that’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kasalukuyang single ang 26-year-old Kapuso actress na si Kris Bernal, na ipinagdiwang ang kanyang kaarawan nitong nakaraang Linggo, ngunit inamin niyang bukas naman siya sa pakikipag-date.

Ngayon ay mas gusto raw ni Kris na isang non-showbiz guy ang kanyang makasama dahil mas tahimik ito at naniniwala siyang mas maiintindihan siya nito.

Gayunpaman, bukas ba si Kris sa posibilidad na gawing totohanan na ang tambalan nila ng kanyang longtime onscreen partner na si Aljur Abrenica?

Sagot niya, “Sa akin, of course, I am open to that. But right now, I appreciate the relationship that we have, na-appreciate ko yun. Kung mahahaluan man ng more than that, baka mas mapasama pa."

“Sa ngayon, masaya ako sa relationship namin. And of course, it depends to Aljur. Hindi naman ako manliligaw kay Aljur. Pag sinabi ko bang ‘Oo, possible, may pag-asa siya,' e, kung hindi siya manliligaw, 'di ba?’” dagdag pa ni Kris.

Magkakaroon ba sila ulit ng project together?

Sagot ni Kris, “Meron. Posible siya."

Kwento pa niya, “Natutuwa ako every time nagpo-post ako ng picture namin ni Aljur, iba talaga yung likes, iba yung dami ng comments, iba pa rin. So, nae-excite ako kung meron man.” —Philippine Entertainment Portal