ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kiko Estrada sa panliligaw kay Kim Rodriguez: 'I understand her reason and I respect her'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Halos isang taon na raw nililigawan ni Kiko Estrada ang kapwa niya Kapuso talent na si Kim Rodriguez, pero hindi pa sinasagot ng dalaga ang binata.

Bakit nga ba hindi pa siya sinagot ni Kim?

Tugon ni Kiko, “I still have no idea... because of work, you know, I understand her reason and I respect her.

"Ipapakita ko sa kanya na kaya kong maghintay, nandito lang ako, yun yung pagmamahal.”

Marami-rami nang proyektong pinagsamahan sina Kiko at Kim kaya kilala na raw nila ang isa’t isa.

Pero hindi naman daw nagmamadali si Kiko na masungkit ang matamis na 'oo' ng dalaga.

Masaya rin ang young actor na pagkatapos ng Strawberry Lane ay muli silang magtatambal ni Kim sa My Mother’s Secret, ang bagong early primetime series ng GMA Network.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiko sa presscon ng kanilang programa noong Martes ng gabi, May 19, sa 17thfloor ng GMA Network Center.

Magsisimula na ang My Mother’s Secret sa May 25, bago mag-24 Oras. -- PEP

For the full story, visit PEP.