ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Annabelle Rama to Richard Gutierrez: 'Magtrabaho ka naman kasi nawala commission ko'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Nananatiling prangka ang Gutierrez matriarch pagdating sa mga bagay na kailangang i-improve ng mga anak.

Unang inilirawan ni Annabelle Rama ang pagiging mabuting ama ni Richard, 31, na mayroong two-year-old son na si Zion.

Sabi pa ni Annabelle patungkol kay Richard: “Natutuwa ako sa kanya ngayon kasi meron siyang time for Zion.

“Pero sabi ko, 'Chard [palayaw ni Richard], 'wag naman lahat puro Zion. Magtrabaho ka naman paminsan-minsan kasi nawala commission ko.'

“Nag-e-enjoy naman siya kaya hindi ko siya pinipilit, kasi baka sabihin naman sa akin mukha akong pera.

“Pero in due time, magtatrabaho na rin siya.”

Sunod na inilarawan ni Annabelle ay ang love-hate relationship nila ni Ruffa, 40.

Aniya, “Si Ruffa, ewan ko, lagi kaming nag-aaway.

“Hindi ko na alam kung tunay ko siyang anak, e.

“We always fight since day one, since she was five years old.

“Hanggang ngayon, sa awa ng Diyos, palagi pa rin kaming nag-aaway.

“Pero okey lang naman. The best naman siyang mother sa dalawang anak niya.

“Ang hindi lang the best sa kanya, sarili niya.”

Pagdating sa anak niyang si Raymond, 31, diretsahang sinabi ni Annabelle na wala siyang nakukuhang commission dahil sariling sikap ng TV host/businessman kung anumang pinagkakaabalahan nito.

Dugtong pa ni Annabelle patungkol kay Raymond: “I'm so proud of Raymond.

"Sarili niyang income, sarili niyang kayod, sariling sipag.

“Hindi na ako nagma-manage sa kanya pagdating diyan kaya wala akong kita sa kanya.

“Kaya sabi ko, mag-show na silang lahat, kasi dun ang start ng aking commission.”  -- PEP

For the full story, visit PEP.