ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Zsa Zsa Padilla, tiwalang 'di tututol ang mga anak kung magpapakasal sila ni Conrad Onglao
By JAMES PATRICK ANARCON, PEP
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Wala pang magaganap na kasalan sa pagitan ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla at ng kaniyang boyfriend, ang architect na si Conrad Onglao.
Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang media si Zsa Zsa sa press conference para sa kanyang upcoming concert na Beginnings, sa Resorts World Manila, nitong Miyerkules, May 27, sinabi ng singer-actress na hindi pa ito ang tamang panahon para sila ay ikasal.
“Not yet, not yet. Maybe getting there... I don’t know.”
Ngayong Huwebes, May 28, ay nagdiriwang si Zsa Zsa ng kaniyang 51st birthday. Hindi ba siya nape-pressure na maikasal ulit kahit na nasa 50s na siya?
Sagot niya, “Time is gold? I think it will come in time, in due time.”
Ayon pa kay Zsa Zsa, mas maganda kung planado ang lahat bago sila ikasal.
Si Zsa Zsa ay ikinasal sa murang edad sa dati niyang asawa na si Dr. Modesto Tatlonghari ngunit naghiwalay rin sila.
Pagkatapos ay naging live-in partner niya ang yumaong Comedy King na si Dolphy sa loob ng mahabang panahon.
Si Conrad naman ay hiwalay sa unang asawa nito.
Pahayag ng Divine Diva, “I don’t know, one is because you really wanted to get to know the person, it has to be planned.
“Hindi naman puwedeng in a whim, and then you’ll regret it, ‘di ba?
“Because, I think, we’ve both been married before, so we wanna make sure, ‘di ba?”
Sa tingin naman daw ni Zsa Zsa ay okay sa mga anak niyang sina Karylle, Nicole, at Zia Quizon kung magpapakasal siya kay Conrad, kahit hindi pa niya natatanong ang mga ito.
“Oo naman, I think so.
"I don’t know, I haven’t asked anybody...
“I rertract that, I haven’t asked anyone.
“No, I haven’t really asked my kids.
"But they have so much love and respect for me that they would, you know, they just want to see me happy." -- For the full story, visit PEP.
Tags: zsazsapadilla, conradonglao
More Videos
Most Popular