ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Viva Films refutes Cherie Gil’s claim over ‘copycat’ movie line: ‘There’s no basis’
By JOJO GABINETE, PEP
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Walang basehan si Cherie Gil upang angkinin ang linyang “You’re nothing but a second rate, trying, copycat!” na pinasikat niya sa 1985 movie na Bituing Walang Ningning.
Ito ay ayon sa legal counsel ng Viva Communications Inc. na si Atty. Heather Annang, na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, June 23.
Ang Viva Films ang nag-produce ng pelikulang Bituing Walang Ningning.
Pinagbidahan ito nina Sharon Cuneta at Cherie, kung saan ginampanan nila ang iconic roles na ngayong Dorina Pineda at Lavinia Arguelles, respectively.
May claim si Cherie na intellectual property niya ang sikat na linya na kanyang ginamit sa pelikula, at ginamit din sa musical na Bituing Walang Ningning, na nagsimula nang itanghal sa Resorts World Manila noong nakaraang linggo.
Sa pamamagitan ni Atty. Annang, pormal na sasagutin ni Viva Films producer Vic del Rosario ang Cease and Desist Letter na ipinadala sa kanya ni Cherie.
Hinihiling ng beteranang aktres na ipahinto ang paggamit sa classic line na “You’re nothing but a second rate, trying hard, copycat” sa musical version ng pelikula.
Sa musical, si Cris Villonco ang gumaganap bilang Lavinia Arguelles at siyang gumagamit ngayon ng pamosong linya ni Cherie.
Ang lawyer ni Cherie na si Atty. Lorna Kapunan ang nagpadala sa Viva Films ng Cease and Desist Letter noong Biyernes, June 19.
Diumano, binigyan ni Atty. Kapunan ng assurance si Cherie na may laban ito.
No basis
Ngunit ayon kay Atty. Annang, walang basehan ang claim ni Cherie sa linyang pinasikat niya.
Ngunit ayon kay Atty. Annang, walang basehan ang claim ni Cherie sa linyang pinasikat niya.
Saad niya, “Yung sulat na natanggap ng Viva noong Friday, June 19, mula kay Cherie, thru her lawyer, Atty. Lorna Kapunan.
“Ang sinasabi doon, ang claim ni Cherie, siya yung nag-isip ng linyang ‘You’re nothing but a second rate, trying hard, copycat,’ at siya ang co-author ng script.
“At dahil doon, sinasabi niya, pinapatigil niya, pinapa-cease and desist niya ang Viva to use that line in the musical sa Resorts World. —PEP
For the full story, visit PEP.
More Videos
Most Popular