ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Teen actress Julia Buencamino found dead in apparent suicide




Pumanaw na ang 15-year-old daughter nina Nonie at Shamaine Buencamino na si Julia Louise Buencamino dahil sa apparent suicide.
 
Si Julia, na isa ring artista gaya ng kanyang mga magulang, ay bahagi ng ABS-CBN daytime series na Oh My G!, kung saan gumanap siyang best friend ng bidang si Janella Salvador.

 

"are you over promstuck yet?" the answer is no. awesome shot and minor edits by abi, as usual.
 

A photo posted by julia buencamino (@hoolianabanana) on





Ayon sa imbestigador ng kaso na si PO3 Victorio Guerrero, natagpuan si Julia ng kanilang kasambahay na wala ng buhay sa bahay ng mga Buencamino sa Quezon City bandang alas-otso ng gabi, nitong Martes, July 7.
 
Idineklara siyang dead on arrival sa Cardinal Santos Medical Center, sa San Juan City.
 
Ayon naman sa report ng DZMM, pinakiusapan ni Nonie ang mga awtoridad na huwag nang ituloy ang imbestigasyon dahil kumbinsido siyang nagpakamatay nga ang kanyang anak.
 
Si Julia ay bunso sa apat na anak nina Nonie at Shamaine. —PEP

For more showbiz stories, visit PEP.