Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bobby Andrews admits he attempted to court Angelu de Leon during their TGIS days




“Oo naman. Yes, yes, yes, I did.”

Ito ang naging sagot ni Bobby Andrews nang tanungin kung sinubukan ba niyang ligawan si Angelu de Leon noong kasagsagan ng kasikatan ng kanilang loveteam.

Patuloy ng 39-year-old actor, “Kasi, first of all, our friendship was really okay na, e.

“Parang kulang na lang dun sa friendship namin yung next step, di ba, which was having a relationship.”

Kaya lang, bakit hindi niya ito itinuloy?

Paliwanag ni Bobby, “The thing was nang medyo nakaamoy ang mommy niya, kinausap ako.

“‘Si Angelu, bata pa ‘yan, hintayin mo muna mag-eighteen 'yan. Ayoko may mangyayari sa inyo bago mag-eighteen siya. So, whatever you have now, ganun na 'yon.’

"Not in that exact [words], but something to that effect."

Ito ang ibinahagi ni Bobby sa PEPTalk shoot nila ni Angelu nitong Huwebes, June 9, sa GMA Executive Lounge.

Ngunit ayon kay Bobby, mabuti na lang na hindi niya itinuloy ang panliligaw sa kanyang ka-loveteam.

“So, alam mo 'yon, I realized, kung pinilit ko ‘yon and I courted Angelu, ta's naging kami going against her mom’s wish, baka…"

Dugtong ni Angelu, "... baka hindi kami ganito ngayon."

Pagsang-ayon ni Bobby, “Oo, baka magka-rift lalo.

“But, at the same time, there’s no difference between having a relationship and not having a relationship [with her].

Unang naging magkatambal sina Bobby at Angelu sa weekend teen show ng GMA Network na na TGIS noong 1995.

Nasundan ito ng sequel ng nasabing show na Growing Up at ng teleseryeng Ikaw na Sana, na parehong inere noong 1997.

Nang tanungin si Angelu kung sasagutin ba niya si Bobby kung niligawan siya nito noon, natatawang sagot ni Angelu, “Oo naman!"

Sa ngayon, maligaya nang pareho sina Angelu at Bobby sa piling ng kani-kanilang pamilya.

Si Bobby ay ikinasal kay Bienne Co at mayroon silang dalawang anak.

Si Angelu ay may dalawa nang anak mula sa kanyang past relationships bago sila ikasal ng mister niyang si Lorenzo Rivera, kung saan mayroon na rin siyang isang anak.

Balik-tambalan ngayon sina Angelu at Bobby sa bagong afternoon series ng GMA na Buena Familia, na magsisimula sa July 27. -- For the full story, visit PEP