ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Martin del Rosario on Kylie Padilla: 'I admire her, maganda siya'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Makakatambal ni Martin del Rosario sa kauna-unahang pagkakataon si Kylie Padilla sa bagong GMA Afternoon Prime series na Buena Familia, na magsisimula na sa Martes, June 28.

Pero bago pa nito ay nagkasama sila sa isang guesting sa lifestyle talk show ng GMA News TV na MARS.



Mula raw noon ay inasam na ni Martin na makapareha si Kylie sa isang teleserye.

Kuwento pa ng aktor, “Paglipat ko ng GMA, nag-guest po kasi [kami] sa MARS.

“Isang beses lang, tapos mula noon, [kapag tinatanong ako] ‘Sino gusto mong partner?’

“[Sinasagot ko], marami akong crush, e, pero nabanggit ko si Kylie.”

Pero dahil madalas na silang nagkakasama ngayon sa taping ng Buena Familia, may pag-asa kayang magka-debelopan sila at ligawan niya si Kylie?

Sagot ni Martin, “A, siyempre may chance.

“Ako kasi, gusto ko siya. I admire her, maganda siya."

Dagdag pa niya, “Napakatotoo, [kung] paano siya magsalita, napaka-genuine, malalim.

“Pag kinakausap ko siya pag kaming dalawa lang, pag nag-o-open up siya, malalim siyang kausap."

Subalit nilinaw ni Martin na mas gusto muna niyang makilala si Kylie nang lubusan bago siya pumasok sa isang seryosohang relasyon.

“[Pero] ano lang, kasi siyempre sa trabaho, mahirap lang kasi kung relationship lang papasukin mo, hindi mo pa masyadong kilala.

“So, kailangan may oras. [It] takes time na makilala mo yung isang tao.

“Kasi siyempre, halimbawa may project, nagkaroon ng problema, magiging awkward.

Yun yung nakakatakot, kung maging awkward.

“Sa gitna ng show, biglang naging awkward kayo sa isa’t isa, yun yung mahirap.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Martin sa grand launch ng Buena Familia nitong Lunes ng gabi, July 20, sa GMA Network Center. -- For the full story, visit PEP.