ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dina Bonnevie, bumilib kay Pauleen Luna


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.



Unang pagkakataon na nagkita at nagkakilala sina Dina Bonnevie at Pauleen Luna sa The Ryzza Mae Show nang mag-guest doon ang una.

Ayon kay Dina, si Pauleen ang personal na nagpakilala ng sarili nito sa kanya.

“Yeah, she introduced herself,” saad niya.

Kumusta naman yung pagkikita nila?

“Yun nga ang palagi kong sinasabi, bakit ba napaka-big deal na nagpakilala siya sa akin? 

“Ang sa akin, if I were Pauleen na nakita ko yung wife na talagang nirerespeto ng buong barangay, na may hawak ng korona, I would also say ‘Hi.’

“Kasi, eventually, you’ll have to deal with my children.

“Sa akin, it was a very bold gesture na lumapit siya.

“Lalo na alam ng mga tao na, naku, mataray si Ms. D.

“Pero sa akin, very bold na lumapit siya, maayos naman and I commend her for that.

“Parang wow, hats off ako. Hindi ka natakot na lumapit sa akin at nagpakilala ka.

“And right after that naman, nag-text siya kay Danica na, ‘Hey, I finally met your Mom, great woman, galing.’

“So sa akin, okey na yun, bakit ba masyadong ini-isyu ng showbiz na nag-usap, parang bakit?” natatawang sabi niya.

Dugtong pa niya, “Bakit noon hindi naman isyu kapag nag-uusap kami ni Pia [Guanio] or all the girlfriends in the past.

“Unless talagang all my words still count.” -- For the full story, visit PEP.