advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ai-Ai delas Alas confirms AlDub will be part of MMFF movie with Vic Sotto


Kinumpirma ni Ai-Ai delas Alas na makakasama niya sina Alden Richards at Maine "Yaya Dub" Mendoza sa kanyang upcoming Metro Manila Film Fest movie. 
 
Ang sikat na AlDub loveteam ng Eat Bulaga ay bahagi ng MMFF entry ni Ai-Ai at Vic Sotto titled Rom-comin Mo Ako.
 
“Yes, confirmed na confirmed,” diin ni Ai-Ai noong makausap namin siya pagkatapos ng August 23 episode ng Sunday Pinasaya sa GMA Network.
 
Ano ang role nina Alden at Yaya Dub sa movie nila ni Vic?
 
“'Yan ang hindi ko alam. Basta, parang kami ni Alden, tapos sila [Vic] at Yaya Dub, ganoon," kuwento pa ng Comedy Queen. 
 
May four-year contract si Alden with APT Entertainment, isa sa mga producers ng movie na Rom-comin Mo Ako. 
 
Ang iba pang producers ay ang Octoarts Films at MZET Productions.
 
Sa naunang panayam kay Direk Mike Tuviera ng APT, sinabi niya na pinag-uusapan na nila ang posibilidad na gumawa ng pelikula para kina Alden at Yaya Dub. 
 
NEW TALK SHOW. Bago simulan ni Ai-Ai ang movie nila ni Vic with Alden and Yaya Dub, magsisilbi muna siyang host para sa bago niyang TV program sa Kapuso Network.
 
Excited na ba siya sa bagong talk show niya sa GMA-7?
 
“Oo, Celebri-TV [ang title]. Ah, ang alam ko ang start niyan sa September 19." 
 
“Part pa rin ‘yan ng contract ko sa kanila, kasama ng soap at kung anu-ano pa.”
 
Maki-claim ba niya na siya na talaga ang bagong reyna sa GMA-7?
 
“Hindi naman,” tanggi ni Ai-Ai. “Si Marian [Rivera] pa rin, siyempre.” 
 
First time ba niya na mag-host ng isang showbiz-oriented talk show?
 
“Hindi, pero pasama-sama lang. Pero ngayon, first time na ganitong format.
 
“Pero yung mga tanong, sa mga kasama ko ipapasa. Kasi ang ano ko sa kanila parati, artista rin ako. 
 
"Ayoko nu’ng ako ang makikisali sa intriga.
 
“Kasi alam ko yung feeling. Nakaka-stress din yun. Yung tungkol sa artista kayo na ‘yan. Basta ako happy moments lang ako. Like yung kunyari may mga hobbies, ako yun.
 
“Meron akong parang challenge sa mga artista pero hindi about their personal lives.”
 
Kung mabibigyan siya ng chance na mamili ng una niyang guest na gusto niyang mainterview sa Celebri-TV, sino yun?
 
“Ah, si Alden at saka si Yaya Dub. Siyempre, lahat naman dream na magkita sila.
 
“Sa isang set nakaupo sila, kahit hindi sila nagsasalita. Hahaha!
 
“O kaya naman, si Alden nasa set, si Yaya Dub nasa screen.
 
“Gusto ko yun na, kahit hindi siya magsasalita basta nandoon lang siya, kasi bawal naman siyang magsalita.
 
“At yun na nga....yun ang gusto ng mga faney [fans]. 
 
"At masaya rin ako dahil kasama ko sila sa movie.”  — Pep.ph
LOADING CONTENT