ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Boobay says friend Marian Rivera compels him to be real


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Masayang-masaya si Boobay na parte siya sa remake ng teleseryeng nagpasikat noon sa best friend niyang si Marian Rivera bilang Marimar noong 2007.
 
Si Boobay ang "boses" ng asong si Fulgoso, ang matalik na kaibigan ni Marimar na ginagampanan naman ngayon ni Megan Young.
 
Ayon sa Kapuso comedian, “Siyempre, sobrang honored po ako na mapasama [sa Marimar].
 
“Actually, kinuwento ko sa kanya [Marian], sabi ko, ‘My labs, ano, ako si Fulgoso!’
 
“Sabi niya, ‘Ha?! Bakla!!! Ikaw?!! Bakit, ano mangyayari sa kanya?’
 
“Sabi ko, ‘Bakla siya!’
 
“Happy naman siya nang bonggang-bongga kasi, ayun nga, binigyan ako ng opportunity na makapagbigay ng aliw.
 
“This time, hindi visual na nakikita ako ng mga televiewers.
 
"Subukan naman natin 'yung boses 'yung gamitin natin para makapag-entertain ng mga tao.”
 
Bestie
 
Tinanong ng PEP si Boobay kung paano sila naging best friend ni Marian.
 
Tugon niya, “Mapipilitan kang magpakatotoo sa harapan niya talaga, walang hesitation, magiging ano ka talaga.
 
“'Yung kung sino ka, iyon ang ibibigay mo sa kanya, kasi iyon ang ibinibigay niya sa iyo.
 
“'Pag naramdaman niyang totoo ka sa kanya, sa ipinapakita mo, walang kaplastikan whatsoever... kasi ayaw na ayaw niya 'yun.
 
“Nung una nga kaming mag-meet, parang ano pa ako, 'yung medyo aloof na, 'Ano ba ang gagawin ko?'”
 
Sa Extra Challenge daw sila nagsimulang maging close ng Kapuso Primetime Queen.
 
“Ipinaramdam naman niya sa akin na, ‘Open up! I-embrace ko 'yan kahit sino ka. Kahit anong estado mo, kahit ano ka pa man.’ —PEP

For the full story, visit PEP.