ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ken Chan on being paired with Fabio Ide: Nakakatuwa po na ngayon pa lang, may fans na kami


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


 
 
Sa September 14 na magsisimulang umere ang pinakabagong afternoon series ng GMA-7 na Destiny Rose. Bida rito si Ken Chan, na gaganap bilang isang transwoman. 
 
Ito ang papalit sa Healing Hearts, kung saan isa rin si Ken sa major cast members.
 
“Sobrang thankful and blessed ako na pagkatapos ng Healing Hearts, meron kaagad akong Destiny Rose, na ako na ang title role,” sabi ni Ken
 
Kampante raw siya na positibo ang magiging reaksiyon ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender) community sa Destiny Rose.
 
“Sobrang matutuwa sila. Dahil for me, Destiny Rose po yung magiging instrument para mabuksan yung isip ng mga tao about transwomen at yung mga issues about LGBT.”
 
“Acceptance pa rin kasi ang higit na kailangan nila, e. Iyon pa rin ang number one na issue sa kanila, although meron na rin namang nakakaintindi at rumirespeto sa kanila. Pero sana, mas marami pa ang magpakita ng pagtanggap.”
 
Open ba si Ken kung may lumapit sa kanya mula sa LGBT community at mag-offer na maging spokesperson ng Destiny Rose?
 
“Wow!” sabay ngiti ni Ken. “Gusto ko pong mangyari iyon. Gusto ko po na si Destiny Rose, maging icon. Gusto ko na maging instrument siya para sa LGBT group at magamit siya sa kanilang mga isinusulong o ipinaglalaban.”
 
Ano sa tingin ni Ken ang magandang magagawa ng project na ito sa career niya?
 
“Ini-expect ko po na makakatulong ito sa aking pagiging aktor ko. Dahil sobrang challenging nung role, hindi po siya biro. Kung sinuman ang tumanggap ng ganitong klaseng role, sobrang mag-i-improve bilang isang artista, dahil sobrang hindi biro yung ganitong klaseng role.
 
“And I’m just being honest. Kapag nagkaroon ka ng lead role po, maraming pintuan ng opportunities sa showbiz ang magbubukas.”
 
FabKen. Malamang ba na maging parang TomDen ang FabKen tandem nila ni Fabio?
 
Tugon ni Ken, “Nakakatuwa po na ngayon pa lang, may fans na kami. So… sana nga po ay marami ang sumuporta sa amin.
 
“And as far as I’m concerned naman po, lahat po ibibigay ko para sa Destiny Rose. "Lahat gagawin ko… para sa ekonomiya, pak pak pak!” tawa ulit niya. — PEP

For the full story, visit PEP.
Tags: kenchan, fabioide