ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Manilyn Reynes reveals husband Aljon Jimenez is her new manager
By RUEL J. MENDOZA, PEP
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ang mister na si Aljon Jimenez na ang tumatayong manager ng veteran singer-actress na si Manilyn Reynes.
Matagal na ring hindi aktibo sa showbiz si Aljon dahil naging busy ito sa iba’t ibang tinatayo nilang mga negosyo.
Pero ngayon, si Aljon na ang nakikipag-negotiate para sa mga projects na inu-offer kay Manilyn.
Kuwento ni Manilyn nang makausap namin sa presscon ng GMA teleserye na Destiny Rose noong nakaraang September 7, “At first, akala ko hindi kayang gawin yon ni Aljon.
“Iba kasi ang maging manager ka ng tao kesa sa nag-manage ka ng negosyo.
“Kapag talent manager ka kasi, kailangan tutok ka at marunong kang magbenta ng artista mo.
“Kasi naka-ilang managers na rin ako in the past. 'Yung una ko was Tito Rod Laurente. 'Tapos naging manager ko rin si Ms. Olive de Jesus.
“Kaya alam ko 'yung paraan nila kung paano mag-handle at magbenta ng talent nila.
“Sabi naman ni Aljon na wala na raw siyang problema sa pagbenta ng image ko. Kasi Manilyn Reynes na raw ako. Kumbaga may name na ako sa industry.
“Ang gusto lang niyang tutukan ay 'yung pakikipag-negotiate. Ayaw niyang madedehado ako pagdating sa talent fee.
“Si Aljon kasi, magaling siyang businessman. Kapag tungkol sa mga kontrata, siya ang nakikipag-usap at nakikipag-ayos.
“So far, okey lahat. Maganda ang nangyayari kasi husband and wife team kami. Nagtutulungan kaming dalawa.”
Commission
Pinagpilitan ni Manilyn na bilang manager, kailangang may nararapat na komisyon si Aljon sa bawat transaction o proyekto na kukunin niya para sa kanyang misis, dahil maituturing daw na business ang pag-manage nito sa kanya. —PEP
For the full story, visit PEP.
Tags: manilynreynes, aljonjimenez
More Videos
Most Popular