ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Aiza Seguerra speaks about loyalty after forced leave from variety show


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kasama si Aiza Seguerra sa Princess in the Palace ng GMA na sinasabing dahilan para mag-forced leave of absence ito sa ASAP ng ABS- CBN.

Sa paggawa ng proyekto ng isang artista sa ibang network, nangangahulugan bang nawala na ang loyalty nito?

“What a good question,” ang napaisip na sagot ni Aiza.

“What is loyalty to me? Mahirap i-describe ang loyalty sa business na 'to, sa totoo lang. Para sa akin, ang loyalty sa business na ito ay kung ano ang pagtingin ko kina Mr. Tony Tuviera. [TAPE Inc. head, producer of Princess in the Palace] Bata pa lang ako, sa kanila ako nagsimula and never nila akong pinigilan kung ano ang gusto ko. Kung ano ako, tinanggap nila ako, mahal nila ako.”

“Loyalty in this business is very seldom, almost non-existent. Just accepting and always having that open arms na kahit anong mangyari, alam mong you’ll have that family na uuwian.”

“So sa trabaho na 'to, they’re my family. They helped me hone my craft. Hinayaan nila akong lumipad, napunta ako sa iba’t ibang network. I stayed in Two [ABS-CBN] for the longest time, but I never heard anything from them na nagtampo.”

Delicadeza


Nilinaw rin ni Aiza na hindi niya ipagpapalit ang ASAP para sa Princess in the Palace.

“No, hindi ko pinagpalit…yung pinagpalit, napaka-personal niyan kasi lahat tayo, nagtatrabaho. Para sa akin, kapag sinabi kong pinagpalit, pupunta ako ng Sunday PinaSaya, yun ang pinagpalit. But hindi siya magkatapat at hinding-hindi ako tatapat.”

Paano kung gawin din siyang regular sa Sunday PinaSaya bilang si Mr. Tuviera rin ang producer nito?

“Alam niyo, ang gusto ko kila Mr. Tuviera, meron silang delicadeza. Alam nila na ako mismo, I have respect for ASAP at hindi nila 'ko ilalagay run. Happy ako na lumaki ako sa ganyang klaseng tao na napaka-ilan na lang siguro sa industriyang ito.”

Kahit daw mag-guest lalo na ngayong promotion nila ng Princess in the Palace ay hindi pa rin daw siya pupunta sa Sunday PinaSaya.

“Sa ngayon, ayoko muna, iwas muna ako lalo na ang status ko sa ABS, leave of absence,” paglinaw pa niya.

Sa isang banda, hindi pa raw nangyari na pumirma si Aiza ng exclusive contract sa kahit anong network. Kahit sa TAPE Inc., na block-timer sa GMA, ay wala rin siyang kontrata.

Katwiran ni Aiza, “Wala kaming kontrata and I think, more than any contracts, what matter is yung prinsipyo.”

Importante lang daw ang kontrata kapag walang prinsipyo ang taong kausap mo.

“Pero sa mga taong kagaya nila Mr. T, kagaya nila Tita Malou Choa-Fagar, kagaya ng TAPE, hindi mo kailangan ng kontrata riyan,” pagmamalaki niya.

Ryzza on her own


Ang Princess in the Palace ay pinagbibidahan ni Ryzza Mae Dizon, na sinasabing para siyang batang Aiza noon.

Pareho silang galing sa "Little Miss Philippines" ng Eat Bulaga.

Ani Aiza, “Siyempre, happy ako na yung sumunod na child star na lumabas is also from Eat Bulaga. Kahit i-connect nila, that’s not a problem, di ba?”

“I don’t want her to be the next Aiza, I want her to be Ryzza. Kumbaga, I became who I am because of all the things na pinagdaanan ko. I don’t want her to be just like me. I want her to be someone else. I want her to be her.”

“Yun ang pangarap ko sa kanya, to be able to find her own way, her own path sa journey niya na ito. At kung yung mga choices niya ay okay, then she’ll probably be here just as long as I’ve been in this business.”

Ang Princess in the Palace ay production ng TAPE Inc. ni Tony Tuviera at mapapanood na simula sa Lunes, September 21, 11:30 a.m. sa GMA. Pep.ph