ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Solenn Heussaff wants to keep her wedding plans private


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Umiwas si Solenn Heussaff nang matanong tungkol sa updates sa ginagawa niyang preparation sa pagpapakasal nila ng kanyang Argentine fiancé na si Nico Bolzico.
 
Nauna nang sinabi ng Kapuso French-Filipino actress na sa 2017 o 2018 nila target magpakasal ng kanyang boyfriend, para mas mahaba raw ang oras for the preparations.
 
“I’m still keeping everything a secret,” sabi ni Solenn nang makausap ng mga miyembro ng media sa press conference ng kanyang pinagbibidahang pelikula, ang Flotsam, na ginanap sa 12 Monkeys Music Hall & Pub, sa Kalayaan Avenue, Makati City.
 
Mas gusto raw talaga ni Solenn na hindi masyadong pinag-uusapan ang kanyang lovelife, kagaya ng engagement nila ni Nico na nalaman lamang dahil sa Instagram post ng isang close friend.
 
Paliwanag ng Kapuso star, “Because it’s a personal thing and it is something you want to be magical. The more the people talk about it, the more it gets magulo, parang ayoko na.
 
"So I wanna keep it private. Lalabas naman when it happens. I’ll share.”

For the full story, visit PEP