ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lani Misalucha mulls retirement but music always beckons


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

Hanggang ngayon ay aktibong-aktibo pa rin sa pagkanta ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha.

Pero inamin niyang may puntong naiisip na rin niyang mag-retire.

“Alam niyo, kabuhayan ko ito, e, pero sa totoo lang, hindi ako mag-aantay na hindi ko na talaga kaya.

“Honestly, noon pa man gusto ko na talagang mag-retire, that’s one of the reasons why we left for the US.

“And then, mangibang-buhay na, alam mo iyon, simpleng buhay sa Amerika,” sabi ni Lani.

Pero ano ang nagtutulak sa kanyang ipagpatuloy ang pagkanta?

Sagot niya, “Actually, it’s not me who keeps coming back to music, actually it’s music that keeps on chasing me.

“Honestly, I would go to this direction, but it would just follow me wherever I would go.

“Sabi nga nila, an artist will always be an artist, so siguro ganun ang nangyayari sa akin.

“Sabi pa ng asawa ko, ‘Ito ang talentong ibinigay sa iyo ng Diyos, siguro hindi pa dapat sa iyo na mag-retire.’”

Ang asawa ni Lani ay si Noli Misalucha.

Dagdag pa niya, “So siguro, iyon na lang talaga ang gagawin natin hangga’t kaya, e, di kakayanin.

“Pero ayoko namang dumating sa panahon na uugod-ugod na ako, di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling press si Lani pagkatapos ng kanyang dinner concert na Harana.

Handog ito ng Las Casas Filipinas de Acuzar Heritage Resort katuwang ang Full House Asia Production Studios Inc. —PEP


For the full story, visit PEP.