Is romance brewing between Julie Anne San Jose and Jake Vargas?
May kakaibang closeness na ba sina Julie Anne San Jose at Jake Vargas?
Ito ang napapansin ng kanilang Buena Familia co-stars, na nagsabing may kakaibang kislap sa mga mata ni Julie Anne ngayon, lalo na kapag napag-uusapan si Jake.
Sa panayam ng 24 Oras kay Julie Anne noong October 30, sinabi ng Kapuso singer-actress na maganda lang ang pakikipagtrabaho niya sa kanyang leading man sa afternoon soap ng GMA Network.
"Masarap pong katrabaho si Jake.
“Wala akong naririnig na reklamo sa kanya. No complaints.
“Basta masaya po kami.”
Iginiit ni Julie Anne na magkaibigan lang sila ni Jake.
“So far po, magkaibigan lang po kami.
“We enjoy each other’s company.
“Importante po iyon para may rapport ako sa mga co-actors ko.”
WORKING WITH BOBBY AND ANGELU. Nagpapasalamat naman si Julie Anne sa pagkakataong makatrabaho sa Buena Familia sina Angelu de Leon at Bobby Andrews, na gumaganap bilang mga magulang niya.
Naikuwento pa ni Julie Anne na big fan siya ng Peachy and Wacks love team na ginampanan nina Angelu at Bobby sa '90s youth-oriented series na TGIS (Thank God It’s Sabado).
“Before, pinapanood lang namin sila sa TGIS as Peachy and Wacks.
“Tapos ngayon, yung phenomenal love team before ay kaeksena na namin,” nakangiting sabi niya.
Unforgettable daw sa singer-actress ang first taping day niya kasama sina Angelu at Bobby.
“Actually, noong unang sabak namin with them, medyo na-intimidate kami.
“Ako personally na-intimidate ako. Na-starstruck ako!" tawa pa niya.
Dugtong ni Julie Anne, “Ang iniisip ko na lang na kailangan kong alisin yung fear ko na ganoon kasi siyempre kailangan ko sa trabaho, e.
“Mas marami pa kaming magiging eksena together.
"Tsaka inisip ko na lang na parang mommy ko na rin siya [si Angelu]." -- PEP.ph