ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris Bernal makes peace with AlDub fans


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Maingat na ang Kapuso actress at bida ng bagong GMA primetime series na Little Nanay na si Kris Bernal sa pag-post sa kanyang Instagram account ng photo kasama ang Pambansang Bae na si Alden Richards.

Nakatanggap kasi ng maaanghang na comments si Kris mula sa die-hard fans ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza (a.k.a. Yaya Dub) nang mag-post siya ng larawan kasama ang Pambansang Bae.

Ipinost ni Kris ang larawang iyon nang magkasama sila ni Alden sa isang out-of-town show.

Saad ni Kris, “Hindi ko naman kasi naisip na may magagalit na fans sa akin. Kasi noong nasa airport pa lang kami, ang daming mga fans na nagpapa-selfie sa kanya. So, I guess, okey lang na may photo kami ni Alden since magkaibigan naman kami noon pa."

“Kaya noong i-post ko yung photo, ang bilis ng mga reaction! Ang daming nagalit sa akin. May mga nagsabing ang aggressive ko naman daw masyado kay Alden. E, ang dami pa naman naming photos ni Alden noong nag-show kami.

“Gustuhin ko mang i-post lahat iyon sa IG [Instagram], naku, huwag na lang! Natatakot akong ma-bash!”

Apology

Mabilis daw na nag-apologize si Kris sa AlDub Nation dahil nakalimot siya na may sensitive fans pa rin hanggang ngayon.

“Nag-apologize naman ako sa kanila. Ako naman, naiintindihan ko ang mga fans. Kasi may mga fans din ako na ganyan, lalo na noong mga panahon na magkapareha kami ni Aljur [Abrenica]."

“Meron talagang mga sensitive na mga fans na ayaw kang makitang may kasamang ibang artista, at gusto nila doon ka lang sa ka-love team mo. 'Yan kasi ang mga fans na talagang mamahalin ka at handang ipaglaban ka.

“Anyway, nagpapasalamat din naman ako sa nangyaring iyon kasi nadagdagan pa ako ng followers [sa Instagram]. Nagkaroon pa ako ng 13,000 followers on Instagram after that issue. So, kahit papa'no, may mga natuwa pa rin siguro sa pag-post ko, although may mga nagalit sa akin.

“Kahit ganun ay okey naman ang ending. Peace na kami ng AlDub Nation,” nakangiting sabi ni Kris. For the full story, visit PEP.