Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bembol Roco settles long-standing rift with twin sons Felix and Dominic


Kinumpirma ng award-winning actor na si Bembol Roco na maayos na ang relasyon niya sa kanyang kambal na mga anak na sina Felix at Dominic Roco.
 
Nagkasama raw sila kamakailan sa isang dinner dahil nag-celebrate sila sa pagkapanalo ni Dominic bilang Best Actor sa QCinema International Film Festival para sa pagganap nito sa pelikulang "Sleepless."
 
Ikinuwento ni Bembol sa PEP.ph, sa taping ng GMA-7 teleserye na Little Nanay sa Sta. Ana, Manila, noong November 5, na nagsimula ang lahat sa maliit na tampuhan.
 
“Alam niyo naman ang mga kabataan ngayon, madali silang magtampo. Hindi ko naman sila masisisi kung naging masyado silang emotional. Hindi kasi kami nakapag-usap nang maayos kaya lumaki nang lumaki ang gap naming mag-aama."
 
“Pero ngayon ay okey na kami ng kambal. Nagkaroon na kami ng pag-uusap at naging maayos naman. Bilang ama, gusto kong maging maayos na ang lahat. Gusto kong bumalik ang dati naming pagtitinginan bilang mag-aama.”
 
Proud of sons
 
Very proud si Bembol kina Felix at Dominic dahil mahuhusay na aktor ang mga ito.
 
“I am very proud of my sons dahil they both turned out to be very good actors."
 
“Ayoko namang ipagmayabang na nagmana sila sa akin because I know that they both worked hard para maging magaling sila sa trabahong ito.
 
“And I am happy to be working with Felix sa remake ng pelikulang Angela Markado. Si Dominic naman ay huli kong nakatrabaho sa teleserye na Sisid. Hopefully ay makasama ko ulit siya sa trabaho." For the full story, visit PEP.
Tags: bembolroco