ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Winwyn Marquez on Mark Herras courtship:  Ayoko pong ma-link with anyone


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

“Ayoko pong ma-link with anyone or magkaroon ng relationship with anyone,” ayon kay Winwyn Marquez nang tanungin tungkol sa pangliligaw ni Mark Heras.

She is still deciding whether she will be joining another beauty pageant. If anything, she is leaving it to fate: “Nung sumali ako ng Binibining [Pilipinas], biglaan din, e. So, let’s see next year kung ano yung pakiramdam and kung ano yung ibigay ni Lord.”

Dahil magkasama sila sa upcoming primetime series ng GMA Network na Little Nanay, hindi maiwasang usisain si Winwyn Marquez tungkol sa panliligaw sa kanya ni Mark Herras.

“Ayan na naman tayo, e! Hindi na natapos yung kay Mark!” natatawang sabi ni Winwyn.

Ayon sa Kapuso actress, hindi naman siya nagdalawang-isip na tanggapin ang Little Nanay kahit na kasama rin sa cast si Mark na nanligaw sa kanya.

“Wala namang masama, bakit magkakaroon ng apprehension?

“Wala naman, actually I was excited kasi makaka-work ko siya, finally.

“Kasi sina Enzo nakatrabaho ko na, si Sef  nakatrabaho ko na.”

Hindi naman na-link sa kanya sina Enzo Pineda at Sef Cadayona.

“No, I mean barkada kasi kami, e,” paliwanag ni Winwyn.

Pero si Mark nga ay na-link at nanligaw sa kanya.

“Wala, hindi... kasi ano, e, kumbaga keri… kasi hindi naman kami.

“Magkaibigan naman kami and excited akong makatrabaho siya.”

Paano kung this time ay mas seryosohin ni Mark ang panliligaw sa kanya, lalo pa't madalas silang magkasama sa taping ng Little Nanay?

Natatawang sagot ni Winwyn, “Bahala na po siya!

"Tingnan natin, hindi ko alam, e."

NOT READY. Hindi raw nagtuluy-tuloy ang panliligaw ni Mark dahil kinausap na ito ni Winwyn. — Pep.Ph