ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Juancho Triviño: 'There are no small roles, only small actors'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Malaking bagay para kay Juancho Triviño na maging parte ng bagong primetime series na "Little Nanay," na magsisimula nang mapanood ngayong Lunes, November 16, pagkatapos ng Marimar.

Ang nagpasaya raw kay Juancho sa pagsali niya sa "Little Nanay" ay ang pagkatataong makasama ang mga beterano at respetadong aktor.

Sabi niya, "Siyempre kasama po si Ms. Nora Aunor. Iyong cast po kasi, star-studded. Kaya I'm very happy working with them. Ms. Nora Aunor, Mr. Eddie Garcia, Mr. Bembol Roco, 'di ba? Kahit sinong actor na makakausap mo ngayon na malalagay sa sitwasyon ko, gusto nilang makasama sa show na ganito, ma-e-excite nang sobra."

Bukod pa raw sa pagkakataong makasama niya ang mga batikang artista, may comedy rin sa tema ng bagong serye na ito.

Dagdag niya, "Nasa Bubble Gang ako, may grasp ako ng comedy ngayon kaya very at home ako sa ginagawa ko with Little Nanay."

Kapatid ni Kris Bernal ang karakter na ginagampanan ni Juancho. Ang kuwento naman daw kasi ng Little Nanay ay iikot halos sa pamilya kung saan, lola naman niya rito ang Superstar.

"Iikot sa family, pero magkakaroon din kami ng mga sariling moment namin," patuloy ni Juancho.

Hindi ba niya naisip na sana, siya na lang ang naging leading man ni Kris na ginagampanan naman ni Hiro Peralta ngayon?

Paliwanag niya, "You know what, kahit sinong actor naman, iwi-wish na sana mas mapansin, mas magkaroon ng bigger role.Pero may nagsabi nga sa akin na there are no small roles, only small actors."

''I believe naman, kahit anong role namin, basta ginampanan namin nang maayos, mapapansin at mapapansin din kami."

"At saka, first primetime ko ito." For the full story, visit PEP.