ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
What Katrina Halili will tell her daughter about living arrangement with dad Kris Lawrence
By NONIE V. NICASIO, PEP
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Hindi nauubusan ng inspirasyon si Katrina Halili.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para sa pelikulang Child Haus kamakailan, inisa-isa ng aktres ang mga nag-i-inspire sa kanya sa ngayon.
“Si Katie [daughter], si God… 'yung trabaho ko. Kasi naman, hindi ka ba mai-inspire kung lagi kang may trabaho?”
Okay lang daw kay Katrina kung zero ang love life niya ngayon.
“Hindi naman sa malungkot. Masaya naman ang buhay ko, pero wala, e.
“Ayaw ko kasing magmadali. Dati kasi ay nagmamadali ako, e. Kaya ngayon, gusto ko ay dahan-dahan lang.”
Agreement with Kris Lawrence
May arrangement ba si Katrina sa dating boyfriend na si Kris Lawrence tungkol sa anak nila?
“Mayroon po. Ako ang nag-arrange,” biro ni Katrina.
Tinutupad naman daw ni Kris ang financial obligation niya kay Katie.
Saad ni Katrina, “Nagbibigay naman po siya. Hati naman kami sa school. Tapos sa mga expenses ni Katie, hati naman po kami.
“Nag-aaral na kasi si Katie, parang junior nursery.”
Ano ang napag-usapan nila ni Kris tungkol sa pagbisita nito kay Katie?
Ani Katrina, “Sa visitation, anytime po na free siya, puwede. Pero kapag matutulog na po ako, kailangan na siyang umalis.”
Paano kung makitulog sa kanila si Kris?
“Ay hindi, pinapaalis ko po! Go home! Alis! Matutulog na kami,” mabilis na reaksiyon ng aktres.
Katie and Kris
Nagtatanong na ba si Katie kung bakit wala sa bahay ang daddy niya?
“Hindi naman po,” matipid na sagot ni Katrina.
Paano kung magtanong si Katie?
“E, sasabihin ko, doon siya matulog [sa daddy niya]!” reaksiyon ni Katrina.
“Hindi po, hindi… joke lang,” nakatawang buwelta niya.
Pero ano nga ang sasabihin ni Katrina sa anak kapag tinanong ito kung bakit hindi sa kanila natutulog si Kris?
“Ayan tayo, e,” nakangiting saad ni Katrina, senyales na ayaw niya sa tanong.
Dagdag niya, “Hindi ko pa po naiisip, e. Kasi hindi pa nagtatanong iyong baby ko, e.
“Pero dahil tinanong nyo po iyan, iisipin ko na, para kapag nagtanong ang baby ko ay alam ko na ang isasagot ko.”
Then and now
Kinumpara ni Katrina ang pananaw niya sa buhay ngayon at noong wala pa siyang anak.
“Ngayon pa lang ako nag-i-start na parang may planning na, na kung ano ang gusto kong gawin, ganoon.
“Hindi po katulad dati, na kung may trabaho, may trabaho. At kung walang trabaho e di wala.
“Ngayon parang… kung walang trabaho, at least ay may pupuntahan ako. Kasi hindi po ba, may ipinagawa kaming resort sa Palawan?”
Plan B
Ang Residencia Katrina Dive Resort sa El Nido, Palawan ba ang fallback option ng aktres kapag hindi na siya masyadong active sa showbiz?
Sabi ni Katrina, “Iyon po. 'Tapos, dahil parang gusto ko rin magluto-luto, gusto ko rin mag-aral ng culinary o baking. Magtatayo ako ng bake shop.
“Pero gusto ko ay ako mismo.
“Kaya kapag wala na lang akong work ['tsaka ko gagawin iyon], kasi may trabaho pa naman ako, e.” —PEP
For more showbiz stories, visit PEP.
Tags: katrinahalili, krislawrence
More Videos
Most Popular
