ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Derrick Monasterio admits hurt when Bea Binene chose Kristoffer Martin for last dance


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sina Bea Binene at Derrick Monasterio ang magkapareha sa ngayon sa comedy show na "Vampire Ang Daddy Ko" kaya hindi na bago ang tambalan nina Derrick at Bea ngayong nakatakda silang magsama sa isang panibagong teleserye.

Umamin naman si Derrick na niligawan niya si Bea, “Dati. 'Ayan ang honest ko ngayon, ha?”

Binasted siya ni Bea?

“Hindi naman ako binasted…  parang nawalan lang kami ng gana sa isa’t isa,” at tumawa si Derrick.

Kaya “nakasingit” si Jake?

“Parang ganun po.”

Ngayong break na sina Bea at Jake, may part two ba ang hindi natuloy na ugnayan nila ni Bea?

“Puwede po!”

Nanliligaw na ba siya ulit kay Bea ngayon?

“Hindi ko po nililigawan pero lagi po kaming magkasama.”

Gaano sila ka-close ni Bea ngayon?

“From one to ten? Ten po… kumbaga wala na kaming secrets sa isa’t isa.”

Samantala, inamin ng Kapuso actor na nasaktan siya na hindi siya ang last dance ni Bea sa nakaraang debut party ng dalaga.

“Na-hurt po ako kasi si Kristoffer ang last dance.”

Si Kristoffer Martin daw talaga ang last dance ni Bea during the party. Pero dahil na-late si Alden Richards na dapat ay first dance ay naging last dance ito.

Lahad ni Derrick, “Si Alden siya po ang first dapat, humabol lang siya. So, originally, ang naka-plan si Kristoffer, na-hurt ako, seryoso po yun.”

Bakit hindi siya ang last dance kung very close sila ni Bea?

“Yun nga! Yun nga tanong ko sa kanya, ‘Bakit hindi ako? Tayo ang magkasama sa show, tayo ang laging magkikita.’’ Sabi niya, ‘Uy, grabe! Ganyan? Huwag naman ganyan.’ Yung mga ganun-ganun.”

Walang diretsong sinabi na dahilan si Bea sa kanya kung bakit hindi siya ang last dance?

“Wala,” at tumawa si Derrick, “mas close daw sila, e. Na-hurt talaga ako, ine-expect ko po talaga, ako. Like sabi ko, ‘O, Bea, ire-ready ko na yung damit ko, last dance na ba ako?’ ’Tapos nalaman ko last minute, hindi ako.”

Galit ba siya kay Kristoffer?

“Ay, hindi! Close ko yun, nagtampo lang pero hindi po ako galit.”

For the full story, visit PEP