ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Janine Gutierrez, nag-audition para sa 'Encantadia' role


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nag-audition si Janine Gutierrez para sa remake ng Encantadia.

Noong una ay hindi pa makasagot si Janine kung nag-audition siya para sa telefantasya.

Pero, with the permission of GMA staff na kasama niya, umamin ang aktres na totoo ang balita.

“Opo, nung Sabado [December 12],” sambit ni Janine.

Hindi idinetalye ni Janine kung anong role ang in-audition niya.?

“Ayoko po kasing pag-usapan kasi baka ano!” natatawang sabi niya.

Wala pa kasing nabubuong final cast, kaya ipinagdarasal ni Janine na isa siya sa mga mapipili para sa apat na female leads ng Encantadia.

Sumikat sa telebisyon ang Encantadia noong 2005.

Ang lead characters at ang mga artistang itinampok dito ay sina Amihan (Iza Calzado), Alena (Karylle), Danaya (Diana Zubiri), at Pirena (Sunshine Dizon).
Nasa orihinal na Encantadia rin sina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi.?

Kailan malalaman kung nakapasa si Janine sa audition at kung anong role ang gagampanan niya?

“Matagal pa po yun,” sagot niya.

Sa February 2016 magsisimula ang taping ng bagong Encantadia at malamang umere sa Hulyo.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine sa pocket presscon niya noong Lunes, December 14, sa There’s Something About Sunday restaurant sa Quezon City

CHRISTMAS PLANS. Gaya ng karamihan, nakasentro sa pamilya ang plano ni Janine sa darating na Pasko.

“Bahay lang siguro ni Mama,” pagtukoy niya sa inang si Lotlot de Leon.

Pupunta rin daw si Janine sa bahay ng Mamita o lola niyang si Pilita Corrales.

“New Year kay Mama din tsaka kay Mamita,” saad ni Janine.

Samantala, wala pa raw siyang naiisip na Christmas gift para sa boyfriend na si Elmo Magalona.

“Hindi ko nga alam, e. Wala pa akong nabibiling kahit anong regalo para kahit kanino!” natawang sabi ng Kapuso actress.

Samantala, sa ngayon ay sina Aljur Abrenica at Mark Herras ang magiging kapareha ni Janine para sa pinagbibidahang niyang show na Dangwa.

Ano ang reaksiyon niya sa mga nagsasabing bagay sila ni Aljur dahil tall, dark and handsome ito at matangkad na mestiza beauty naman siya?

“Talaga?” nakangiting tanong ni Janine.

Wala muna silang guests sa Christmas week ng Dangwa dahil kina Janine, Aljur, at Mark lamang nakasentro ang istorya.

Pero this week, masaya si Janine na ang tiyahin na si Matet de Leon (nakababatang kapatid ni Lotlot) ang isa sa mga panauhin sa naturang serye. Kasama rin nila sina Louise delos Reyes, Rodjun Cruz, at Derrick Monasterio. -- For the full story, visit PEP.