ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sancho delas Alas reveals close bond with mom AiAi's BF Gerald Sibayan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
 
"Very, very, very close!"
 
Ganyan inilarawan ni Sancho delas Alas, anak ni AiAi delas Alas, ang kanyang relationship kay Gerald Sibayan, ang boyfriend ng actress-comedienne.
 
Saad ni Sancho, "As in para kaming magkabarkada. Ganun po ka-close. Kasi po nagba-badminton din po ako, e. So nakakalaro ko sila. Sumasama ako sa kanila. And airsoft, naglalaro rin po kami ng airsoft."
 
"And ngayon po kasi kakabalik lang namin galing State. So siguro, masasabi kong mas naging close kami. Kasi sa States po kasi kami nag-Christmas, so sobrang intact, kumbaga. Konti lang naman po yung friends [namin] na nasa States, so most of the time puro kami po ang magkakasama. Family. As in kumbaga, parang quality time with the whole family."
 
Ayon kay Sancho, nag-celebrate ang kanilang buong pamilya ng Pasko at Bagong Taon sa bahay ni AiAi sa California. Kasama rin sa bakasyon ang mga kapatid ni Sancho na sina Sophia at Niccolo, at ang girlfriend ni Sancho na si Shanna Retuya na isang modelo.
 
Kabilang ang Kapuso actor sa mga gaganap sa upcoming GMA Primetime series na "Wish I May," kasama sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Camille Prats, Mark Anthony Fernandez, Alessandra de Rossi, Glydel Mercado, Rochelle Pangilinan, Neil Ryan Sese, Juan Rodrigo, Prince Villanueva, Marni Lapuz at Ash Ortega.
 
Ang "Wish I May," na simulang eere sa January 18, ay sa ilalim ng direksyon nina Neal del Rosario at Mark Sicat dela Cruz. — PEP.ph