ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Claudine allows estranged husband Raymart to sleep over at her house


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Pagkatapos magsampa ng kaso laban sa isa’t isa at magpalitan ng maaanghang na salita, marami ang nagulat nang mabalitaang magkasundo na muli ngayon ang estranged couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Ayon pa nga kay Claudine ay pansamantala muna nilang isinantabi ang annulment case nila ni Raymart para sa kapakanan ng kanilang dalawang anak na sina Sabina at Santino.

Paano nga ba nangyari ang pagkakasundo nilang ito ni Raymart?

Pahayag ni Claudine, “Dasal… sobra-sobrang dasal.

“At saka through the years, nagma-mature na kami.

“And yung love namin for our kids, yun ang namamagitan sa lahat.

“Sabi nga namin, we have no other choice, we’re stuck with each other until we get an annulment.

“And kailangan namin talagang meron kayong relasyon, kasi may mga anak kami.

“Yun ang hindi maintindihan ng mga tao.

"Kasi, parang pag Pilipino, weird para sa kanila na yung ex, magkasama? Akala nagkabalikan.

“Yung mga ganun. Hindi ganun yun.”

Patuloy ng aktres, “Meron kaming dalawang buhay na pinalalaki. Dalawang batang pinalalaki.

“Sabi nga namin, wala na kaming room to make any mistake, even the smallest mistake.

“Sobra nang bugbog yung mga anak namin.

“Kasi very crucial yung stage; si Sabina is eleven years old, pa-teenager na siya. Santino is eight.

Idinagdag ng aktres na minsan ay tinutukso sila ng kanilang mga anak.

“Ganun ang mga bata, talagang nagtutuksuhan," nakangiti niyang pahayag.

“Wala, tumatawa lang kami. Nagbibiro sila na, ‘Sleep here na lang.’”

May mga lambingan o tuksuhan din ba sila ni Raymart?

Sagot ng 36-year-old actress, “Oo. Marami kaming ganun. Halos araw-araw magkausap kami.

“Actually, it’s not only for the kids, e. I think it’s actually for ourselves also.

“Kunwari pag ano, ‘O, pauwi na ako from taping.’

“Or tatawag ako na, ‘Grabe yung taping today, ang sakit ng ulo ko.'

“Tapos siya may sakit. So, nagda-diarrhea siya.

"Kung kinakailangan mong pumunta sa ER, standby ka lang. So, the kids and I would go.

“Ang nangyari, pinapunta ko ang mga bata sa kanya to take care of him.”

Ayon pa kay Claudine, happy siya relationship nila ni Raymart ngayon.

“Nag-usap kami ni Raymart… sobrang nakaka-proud yung mga anak namin, sobra talaga.

“They’re achievers, very respectful, marunong mag-po, opo, magalang sa mga tao, matatalino.

“Ang suwerte-suwerte namin talaga. We’re very blessed with our kids.

Pinayagan na rin daw ni Claudine na bumalik sa bahay nila si Raymart at mag-sleepover.

Pero paglilinaw niya, “Actually, may taping siya M-W-F. Ako naman T-Th-S.

Magpapalitan kami.

“On the days that I would be working nang dire-diretso, he can go sleep over in the house.

“Kaya nga pinaayos namin yung room, so that kapag wala ako, puwede na siya doon.

“He’s allowed to go in and out of the house.

“And wala rin, hindi rin namin sinusunod yung sa court na ang visitation is supervised for once a week."  -- For the full story, visit PEP.