ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kiko Estrada denies viral nude photo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Itinanggi ni Kiko Estrada na siya ang nasa larawang kumakalat ngayon sa social media kung saan hubo’t hubad ang lalaking nakaupo sa toilet bowl.

“Hindi nga? Hindi ko alam yun!” natatawang reaksiyon ni Kiko nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito.

Dagdag niya, “Kasi wala na akong Twitter, wala akong Facebook, so nagulat ako.”

Iginiit ng 20-year-old Kapuso actor na wala siyang ginawang sex video at hindi rin daw siya nagpapakuha ng litrato na nakahubo’t hubad.

Biro pa niya, “Siguro kailangan kong gumawa ngayon kasi para ma-prove ko na hindi ako yun!”

One hundred percent sure daw na wala siyang malaswang litrato o video.

“Opo, one hundred percent sure po. Hindi ako gumawa ng video kasi delikado po yung video, e.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng bagong GMA primetime series na That’s My Amboy, nitong Huwebes ng gabi, January 21.

Nang ipinakita kay Kiko ang mismong larawan ng lalaking sinasabing siya ay itinanggi muli niya ito.

“Ang layo!” bulalas niya. “Hindi ako ‘yan.

“Natawa ako dun sa nakita ko. Hindi ako ‘yan.

“Hindi po ako ‘yan.”

Biro niya ulit, “Gagawa na po ako ngayon para ma-prove ko na hindi ako ‘yan.

“Ipapakita ko talaga... joke lang po!

“Pero pag may ginawa po ako, may kasamang babae yun, sigurado po ako!” tumatawa pa ring sabi ni Kiko.

May mensahe ba siya sa mga nagkakalat na siya ang nasa litrato?

Ayon kay Kiko, “Well, ang galing nila, ang galing!

“Actually, I don’t have any message. Any publicity is good publicity, I guess.

“Pero actually, nagulat ako na may sex video daw.”

So, wala siyang itinatagong video?

“What is there to hide?” sagot ng binata.

Hindi raw natatakot si Kiko na baka may sex video siyang lumabas dahil wala naman daw talaga siya nito. -- For the full story, visit PEP.