Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sancho delas Alas explains why Jiro Manio was sent back to rehab: 'Chronically ill na po si Jiro'



Nakapanayam namin si Sancho delas Alas tungkol sa pagbabalik-rehab ni Jiro Manio na nasa pangangalaga ng ina niyang si Ai-Ai delas Alas.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sancho sa taping ng Wish I May ng GMA-7 sa Quezon Memorial Circle noong nakaraang Lunes, February 15.

Hindi naman raw dahil bumalik sa bisyo kaya muling na-rehab si Jiro.

Paliwanag ni Sancho, “Hindi naman po sa bumalik sa bisyo, pero… Hindi na po kasi siya stable, e.”

Kung hindi na stable si Jiro, bakit sa rehab at hindi sa ospital ito dinala?

Dagdag niya, “Dun po siya natututukan tsaka dun po nag-start yung recovery niya. So feeling po ni Mama, dun din po yung pinaka-best na ibalik po siya for now. Kasi nag-workshop po kasi kami.”

Dapat sana ay lalabas sa isang episode ng Magpakailanman sina Jiro at Sancho.

Sabi niya, “Opo, magre-ready po dapat kami. Kaso parang hindi po talaga, e.”

Comeback sana ni Jiro ang naturang Magpakailanman episode.

“Kaso hindi po ano, e... parang hindi po talaga kaya.”

“CHRONICALLY ILL.”

Itinanong namin kay Sancho kung ano ang ibig niyang sabihin sa statement niyang “parang hindi pa kaya.” Ano ba ang nangyayari kay Jiro?

Paliwanag pa ni Sancho, “Chronically ill na po si Jiro, e. Kumbaga, hindi na po ito yung… hindi na po siya yung dahil sa drug abuse whatsoever. Kumbaga, hindi na po talaga siya maka-recover.”

Gagaling pa ba si Jiro kung chronically ill na ito?

Dasal niya, “Sana, sana po.”

SADDENED BY JIRO'S SITUATION.

Ikinalungkot ba ito ni Sancho? Lalo pa at pamilya na ang turing nila kay Jiro.

“Naaawa po kasi parang sayang, e. A lot of people naniniwala sa kanya and kahit kami, parang... sana man lang, makabalik siya. Bata pa po kasi si Jiro, e."

“Kaya sana malagyan niya ng direksyon yung buhay niya kasi iyon nga po, may anak din po siya.”

Totoo ba na sa workshop nila, walang mailabas na emosyon si Jiro maliban sa galit?

“Iyon na po yung closest sa pinaka-totoo,” saad ni Sancho.

WEIRD GESTURES.

Nakakausap naman raw niya si Jiro noong una itong lumabas sa rehab.

Detalyeng kuwento pa ni Sancho, “Actually, hindi po weird. Maayos siya. Meron lang po siyang mga weird gestures na paulit-ulit."

“Parang, napag-usapan na namin ito unang beses, tapos babanggitin niya ulit—pangalawa, pangatlo, pang-apat.” — PEP.ph

For more showbiz stories, visit PEP.

Tags: jiromanio
LOADING CONTENT