Jaya on living a second life: ‘I‘m living a life for my mom’
Hindi tinitiNgnan ni Jaya na ang pagtanggap niya ngayon ng mga acting roles ay bilang pamalit niya sa nawalang project na "Sunday All Stars," isang musical variety program na dating napapanood tuwing Linggo.
Nakatakda ngayong gumanap ang Kapuso singer-actress sa inaabangang GMA Primetime comedy series na "Poor Señorita," na pagbibidahan nina Regine Velasquez at Mikael Daez.
Anya, “Hindi naman siguro, well, may gano'n din namang factor. Pero singing is always my thing. I’m sure it’s the same also with Regine. But there are times when you have to do something else."
“But still I have a US tour. Hindi ko alam kung paano ako magti-taping. Alam na nila ahead of time, six weeks yun. So, they know what to do naman."
“For me lang, I feel blessed, kasi even without a manager I’m just doing this on my own terms now. It’s about time, I’m almost 46."
“When my Mom passed away, biglang, 'Ting!’ My lights just turned on and I felt like, 'Better start doing what you want, not what people would like you to do.'"
“So, I’m living a second life, parang gano'n, and I'm living a life for my Mom, with how she would've wanted me to live.”
Recalling mom's passing
Inaasahan na raw ni Jaya ang pagkawala ng ina niya dahil sa loob ng pinakahuling dalawang taon ng buhay nito, naobserhana na raw nito ang ilan sa mga galaw ng nanay niya, tulad ng pagiging malilimutin nito, pagiging makulit, at temperamental.
Patuloy pa ni Jaya, “Ako ready [for her mom's eventual death back then]. Pero pag nawala sa harap mo na naputulan ng hininga sa harap mo, maloloka ka talaga. Kasi the end of it, that’s it, walang balikan."
“But I felt like, God has blessed me with enough years with her out of stage, on stage—lahat ng lessons, style, tricks, time... Meron talagang kinumpleto muna ni Lord bago niya hinugot."
“Kasi alam niya kailangang malakas na ako ako bago niya kinuha.”
Kahit naniniwala si Jaya na kapag ang tao ay pumanaw na ay wala na talaga ito sa mundo, may kakaibang nararanasan ang singer na feeling niya ay nasa paligid lang ang kanyang ina.
Kuwento niya, “Ang naririnig ko ay yung boses niya na, 'O, 'day, ayan na, diskarte na!' Mga ganyan. Merong nagsasalita."
“Plus my kids, they remind me of her kasi close talaga sila. Sila yung nagri-remind sa akin, e. Nakalimutan ko nga muna, e.”
For more showbiz stories, visit PEP.