ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
ALJUR ABRENICA ON 2ND CHANCE IN GMA

Walang sinuman ang ‘di nagkamali


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Masaya si Aljur Abrenica na nakabalik na siya sa GMA Network pagkatapos ng kontrobersiyang kinasangkutan niya noong 2014.

Matatandaang sinampahan ng kaso ni Aljur ang kanyang home network upang ipawalang-bisa ang kontrata niya noon.

Ano ang pakiramdam niyang nabigyan siya ng ikalawang pagkakataon?

Sagot ng 26-year-old actor, “I feel on track. At bawat blessings na dumarating sa atin na biyaya, inaalagaan na natin. Before kasi hindi ko na alam ang nangyayari. Andun tayo pero hindi ko na alam ang nangyayari."

“This time, mas nag-mature tayo, mas lumawak yung kaalaman natin, yung awareness natin sa bawat pagpasok ng mga biyaya or pagsubok sa buhay natin. One step at a time. Slowly lang. Inaaral lang."

“Ngayon, mas alam ko na kung paano i-handle yung mga dumarating sa buhay natin: endorsements, proyekto."

“At natutunan ko rin na magsalita ka. Mali man ‘yan o tama sa paningin ng iba, ang sinasabi ng puso mo, kailangan mong gawin, gawin mo ‘yan."

“Magkamali ka man, parte ng buhay ‘yan. Wala namang successful na tao na hindi nagkamali. Lahat ng mga nasa itaas, lahat ng nakakatulong na tao ngayon, sila rin mismo ang nagbagsak sa sarili nila.”

INDIE FILMS

Focused ngayon sa paggawa ng indie films si Aljur.

Sa katunayan, apat na indie films ang nagawa na ng Kapuso actor: "ExpressWay," "Hermano Puli," "Edsa," at "Mabalasik."

Sa kabila nito, may mga kritiko na pinupuna kadalasan ang kanyang pag-arte.

Sa palagay ba niya ay naging mas mahusay siyang aktor dahil sa sunud-sunod na indie films niya?

Sagot ni Aljur, “I can’t say I’m a better actor now. Ang masasabi ko lang, I’ve been doing my best since I started."

“What I can say is I’m in a better place right now. Kung anuman yung ginagawa ko since the start, 'yun pa rin at yun pa rin ang ginagawa ko. It’s just that may mga tao na gumagabay sa atin, may mga tao na nagmamahal sa atin, mas bukas na tayo ngayon.”

May nararamdaman ba siyang pressure na siya ang lead actor sa historical film na "Hermano Puli."

Sagot niya, “There’s no pressure. Wala akong nararamdaman [pressure] sa mga ginawa ko ngayon."

“For me, as long as I’ve done my best and I really immersed to the character, and kung anuman ang magagawa ko para makatulong sa team, I’ve done enough para sa pelikulang ito."

"Wala akong iniisip kung kikita man siya o hindi. Basta ako, gagawin ko lang yung mga bagay na makakatulong sa pelikula, sa produksiyon, masaya na ako dun.” — Pep.ph