Alden Richards, Maine Mendoza fly to Italy for movie shoot
Tumungo na papuntang Italy ang tambalang Alden Richards at Maine Mendoza para sa shooting ng kanilang pinaka-aabangang solo movie.
Namataan nitong Linggo, May 8, sina Alden at Maine at ilan pa sa miyembro ng staff ng pelikula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 bago sila tuluyang bumiyahe papuntang Italy.
Parehong nag-tweet sina Maine at Alden upang magpaalam din sa kanilang fans.
This is it. ????????
— Alden Richards (@aldenrichards02) May 7, 2016
Arrivederci! ????????
— Maine Mendoza (@mainedcm) May 7, 2016
Hindi naman makapaniwala si Maine sa bilis ng panahon ngayong gagawa na sila ni Alden ng pelikula.
Sa kanilang pansamantalang paglisan mula sa Eat Bulaga, nangako sina Maine at Alden na mag-a-update ang mga ito sa pagbisita nila sa iba't ibang lugar sa Italy.
Bukod dito, nangako rin si Maine na agad silang babalik para sa mga fans na makaka-miss sa kanila.
Aniya, “Ang bilis nga po ng panahon kasi wala pang one year na magkakasama tayo... araw-araw magkakasama tayo, tapos ngayon mawawala kami ni Alden.
“Babalik naman po kami, kasi gagawa lang naman po kaming pelikula.”
Humiling naman si Alden sa kanilang mga tagahanga na patuloy na suportahan ang kanilang love team ni Maine.
Saad ng Kapuso actor, “Sana po patuloy niyo kaming suportahan ni Maine sa lahat ng ginagawa namin.
“Nandito lang po kami para sa inyong lahat, anumang pagsubok, walang bibitiw.”
Nitong April 16, kasabay ng 9th monthsary ng AlDub sa Kalyesrye segment ng Eat Bulaga unang inanunsiyo nina Alden at Maine na magkakaroon na sila ng solo movie.
Hindi pa ibinabahagi ng dalawa ang tungkol sa kanilang mga karakter sa pelikula at ang ibang detalye ng istorya nito.
Si Mike Tuviera ang mamamahala sa pelikula. — PEP.ph
