YouTube sensation Balang stars in his first teleserye
Ipinakikilala si John Phillip Bughaw sa Magkaibang Mundo, ang bagong afternoon teleserye ng GMA Network na magsisimula sa May 23.
Tampos dito ang Kapuso stars na sina Louise delos Reyes at Juancho Triviño.
Sumikat si John, na mas kilala sa pangalang Balang, dahil sa kanyang mga viral dance video na naging daan para lumabas siya ng tatlong beses sa Ellen, ang sikat na talk show ni Ellen DeGeneres sa Amerika.
Naging Internet sensation si Balang na artista na rin ngayon tulad ng kanyang idol na si McNeal Briguela a.k.a. Aura.
Sa presscon ng Magkabilang Mundo nitong Huwebes, ipinagmalaki ni Balang na marunong siyang umarte sa mga eksena niya sa Magkaibang Mundo.
Tatlong beses nang lumabas si Balang sa show ni Ellen at ayon sa kanya, mabait sa kanya ang American television host.
Ano ang sabi sa kanya ni Ellen?
Sagot ni Balang, “Hindi ko po maintindihan kasi Inglesera siya. Mabait po siya sa akin.”
Alam ni Balang na napanood ni Justin Bieber ang dance video niya ng “Sorry,” ang hit song ng sikat na Canadian singer.
Ang 28 million views ng “Sorry” dance video ni Balang ang dahilan kaya muli siyang inimbitahan na mag-perform sa show ni Ellen sa pangatlong pagkakataon noong February 2016 .
Nagkita na ba sila ni Justin?
“Hindi po, pero sabi niya, ‘Kills it,’ nang mapanood niya ang video ko,” sabi ni Balang. -- For the full story, visit PEP.