ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Thea Tolentino sa kissing scene nila ni Aljur Abrenica: 'Gusto kong mahimatay'


 

For the very first time pala ay napapayag si Thea Tolentino na mag-swimsuit para sa isang eksena sa Once Again.

Para kay Thea, ito ang hindi niya makakalimutang eksenang nagawa niya sa buong showbiz career.

Nahirapan daw siya, “Hindi po ako nagsu-swimsuit, e,” at tumawa ang Kapuso actress.

Paano siya napapayag?

“Maganda daw kasi yung scene kaya sige, mukha namang maganda yung kakalabasan.

“Saka ito yung introduction ng character ko so dapat bongga.”

Nakapanayam namin si Thea sa taping ng Once Again sa Century Park Hotel sa Maynila noong June 1.

Kontrabida si Thea bilang si Celeste Lacson sa Once Again kunsaan bida sina Janine Gutierrez bilang si Reign Soriano/Des Javier at Aljur Abrenica bilang si Edgar del Mundo/Aldrin Sanchez.

FIRST KISSING SCENE. Si Aljur naman ang naka-“devirginize” sa mga labi ni Thea sa isang kissing scene sa Once Again.

“Hindi ko kinaya,” ang tumatawang bulalas ni Thea.

Pinaka-una ring kissing scene iyon ni Thea sa buo niyang showbiz career. “Kaya kinakabahan ako.”

Paano siya napapayag sa naturang eksena?

“Ginulat ako ni Aljur! Wala pa po dapat sa eksena.

“Pero smack lang naman pero hindi ko pa kasi nagagawa nga.

“Sa istorya ako yung aggressive, so ako dapat.

“Parang nagte-take na po, tumalikod na ako sa spot na pagsisimulan ko dun sa take.

“Pagtalikod ko, parang nakita ko si Aljur, sumesenyas ng ganun.

“Kasi malayo sa amin yung AD [assistant director].

“Nakakaloka! May kutob na ako, maya-maya tinawag na ako ng AD.

“‘Thea sorry, pero kailangan!’

“Sabi ko, ‘Ha?! E teka, teka! Paano ba?’

“Hindi ko kasi alam kung paano ‘tapos parang sa isang segundo, ang dami kong naramdaman.

“Gusto kong mahimatay, gusto kong ano… nakakaloka, hindi ko kaya,” ang tumatawang kuwento ni Thea.

At pagkatapos ng kissing scene?

“Siguro mga isang oras akong hindi maka-get over,” ang muling tumatawang sinabi ni Thea.

“Hinahampas ko siya [Aljur].

“Sabi niya, ‘Bakit, ako ba ang ano, sino ba ang first kiss mo sa screen?’

“Sabi ko, ‘Ikaw!’ ‘Talaga? Bakit hindi mo sinabi?’

“Sabi ko, ‘May choice pa ba ako, e, magte-take na?’”

Malambot ba ang mga labi ni Aljur?

“Hindi ko po alam.”

Pero kahit na raw nakagawa na siya ng steamy scene sa harap ng kamera, hindi pa rin daw papayag si Thea na mag-pictorial para sa isang men’s magazine kung may mag-alok sa kanya.

“Yung thought na makikita ng tito ko, makikita ng tatay ko ay huwag na!” -- For the full story, visit PEP.ph