ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Robin Padilla, hindi naghihintay ng alok na puwesto sa Duterte gov't


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


(Photo by: Noel Orsal / Screengrab from RTVM)

Mismong si Robin Padilla na ang nagsabing hindi siya naghihintay na mabigyan ng posisyon sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sa kadahilanang wala raw talagang planong sumabak sa pulitika ang aktor.

“Rebolusyonaryo ako, I do not join government. I fight government. Totoo,” giit ni Robin.

Dagdag pa niya, “Hindi ako tumulong kay Mayor [former Davao City Mayor Duterte] para humingi ng position.

“Yung posisyon na ‘yan, ibinibigay sa mga magna cum laude.

“Ako, ano lang ako, e, cum laude lang ako. Hahaha!”

Hindi kaila sa publiko na isa si Robin sa showbiz personalities na sumuporta sa pangangampanya ni Duterte noong nagdaang eleksyon.

Pero inilinaw giniit ng aktor na hindi rin siya hinikayat ni Presidente Duterte na makilahok sa administrasyon nito.

“A, hindi na po. Huwag na natin istorbohin si mahal na Pangulo, masyado siyang busy.

'Si Presidente naman ang nagsabi, kung meron kang idea at maganda ang idea mo, makakarating sa kanya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Robin pagkatapos ng presscon para sa ika-apat niyang taon bilang endorser ng Moneygram, na ginanap sa Spices restaurant, sa The Peninsula Manila nitong Huwebes, Hulyo 7. -- For full story, visit PEP.ph

Tags: robinpadilla