ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Buboy Villar admits living with American girlfriend


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inamin ng dating child actor na si Buboy Villar na nagsasama na sila ng kanyang American girlfriend na si Angillyn Serrano Gorens.

Ayon kay Buboy, four weeks ago lang sila nagdesisyong mag-live-in. Parehong 18 years old si Buboy at ang kanyang girlfriend, at may balak na silang magpakasal sa U.S. next year.

Noong 2015 pa niligawan ni Buboy si Angie, pero noong February lamang ng taong ito naging opisyal ang relasyon nila.

Kung matatandaan, nag-post si Buboy sa Instagram ng photo nila ni Angie noong February at April.

Dahil sa mga larawang ito ay nag-react ang pamilya ng kanyang girlfriend dahil hindi nila alam na opisyal na ang relasyon nito kay Buboy.

Sa pagkakaalam nila ay nanliligaw pa lamang ang young actor, at 17 years old pa lang noon si Angie.

Pero ayon kay Buboy, ngayon ay nasa tamang edad na si Angie para magdesisyon sa buhay niya.

“American naman po si Angie, pero halos dito na siya lumaki kaya marunong siyang mag-Tagalog.

“Doon naman po sa America, basta 18 years old ka na, may freedom ka nang gawin ang gusto mo sa buhay. 'Yun ang naging desisyon niya, na magsama na kami."

“Ako naman, mahal na mahal ko si Angie. Ayokong mawala siya sa buhay ko. Ayoko siyang pabayaan. Kaya nag-usap kami nang maayos at nag-decide na nga kaming magsama na."

“Next year ay aayusin na namin ang pagpapakasal para lang maging maayos ang pagsasama namin.”

ALL SETTLED. Wala na raw problema si Buboy sa pamilya ni Angie dahil matagal na nilang naayos ang lahat at ipinagkatiwala na ng mga ito ang kanilang anak sa kanya.

“Before, nagkaroon ng problema kasi hindi nila alam pa. Ngayon naayos na at okay na kami ng family niya."

“Noong mag-decide si Angie na sumama sa akin, wala namang naging problema sa kanila kasi nasa tamang edad na ang mahal ko,” sabi ng Kapuso actor.

Pero hindi ba naisip ni Buboy na masyado pa silang bata ni Angie para pasukin ang buhay may-asawa? Ayaw ba nilang bigyan muna ito ng mas mahabang panahon?

Tugon niya, “Bakit pa namin patatagalin, e, nandito na kami sa puntong sobrang mahal na mahal namin ang isa’t isa? Hindi natin mapipigilan kung ano ang destiny natin, di ba?"

“Sabi ko nga kay Angie, hindi kami makikinig sa mga sasabihin ng ibang tao. Oo, tama sila na mga bata pa kami para pasukin ang ganitong klaseng pagsasama at kailangan maghintay kami ng tamang panahon."

“Pero ang importante ay mahal namin ang isa’t isa. Tsaka gusto ko na rin na magkaroon ng sarili kong pamilya balang-araw.” Pep.ph

Tags: buboyvillar