Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rocco Nacino admits breakup with Lovi Poe, says third party, money weren't the issue



Sa unang pagkakataon ay inamin ni Rocco Nacino na break na sila ni Lovi Poe.

“Yeah! Obvious naman, e,” sabi ng Kapuso actor.

Ngunit tumangging magbigay ng detalye si Rocco tungkol sa breakup nila ni Lovi.

Sabi niya, “Hindi na kailangang to go into details. It’s not for me to make kuwento, but… siguro hanggang dun na lang,” pag-iwas niya.

Sino ang nakipag-break?

“Ano na lang... you know, paano ba sasabihin ito? Just ano lang, I wish her good luck sa mga endeavors niya.”

Is he still hurting?

“Of course!” bulalas niya.

“It was a good two years, it was a good… it was a relationship full of love, definitely.”

Inamin ng StarStruck alumnus na ang relasyon nila ni Lovi ang pinakaseryoso sa lahat ng relationships niya.

“Pinakamalalim ko ito, pinakamalalim,” sabi niya.

Naka-move on na ba siya?

“Trying to, trying to... Ito yung pinakanagmahal ako, iyon ang masasabi ko.”

Inamin ni Rocco na iniyakan niya ang breakup nila ni Lovi.

“Of course, of course, until now.”

So, hindi pa siya tapos umiyak?

“Hindi pa. Yeah, it’s painful, but I’m getting by, getting by.”

Third party ba ang dahilan ng breakup nila?

“No third party,” mabilis niyang tanggi.

So, ano ang dahilan? Sa career ba o ang mga isyu na naglabasan?

“A, hindi, hindi… Walang kinalaman sa issues, walang third party. Iyon, I can be sure, walang third party talaga. Personal reasons, personal reasons.”

May intrigang lumabas noon na isa sa naging gusot sa pagitan nila ni Lovi ay ang diumano’y paggalaw ni Rocco sa joint account nila.

Paano ipagtatanggol ni Rocco ang sarili sa isyu ng pera?

Pahayag niya, “Isa lang ang masasabi ko, maayos yung pagpapalaki sa akin ng magulang ko."

“And hindi rin ako naniniwala sa… yung having a joint account. Kaya sa relationship, dapat kanya-kanya. 'Pag boyfriend-girlfriend pa lang kayo, hindi dapat.”

So, wala silang joing account?

Diin ni Rocco, “Wala kaming joint account. Wala. And I earn my own money naman, e, so I can buy my own things. Hindi ko kailangan ang pera ng ibang tao.”

Naramdaman ba niya na tila hindi siya naprotekthan o naipaglaban sa mga isyung naglabasan tungkol sa kanya?

Paglilinaw ni Rocco, “Tinulungan naman ako ni Lovi. I’m happy naman na she was there for me, when I needed her. Kasi wala namang katotohanan yun, e."

“At kilala naman niya ako, kilala naman niya ang pamilya ko, na hindi ako pinalaki na ganun.” —PEP

For the full story, visit PEP.