ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Wally Bayola: 'Lahat po ng blessings na ito, katas ng Eat Bulaga'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mula sa paghahanap ng Pokemon Go, hindi raw inaasahan ng Kapuso comedian na si Wally Bayola na mag-uuwi siya ng tropeyo mula sa The PEP List Year 3 Awards Night, sa Crowne Plaza Hotel, noong Linggo, August 21.

Saad niya, “Kasi hindi ba nauuso yung Pokemon ngayon?

“So, kaninang hapon ay kasama ko yung bunso kong seven years old.

“Linggo, kaya bonding-bonding kami, sinamahan ko siya.

“Mahirap din pala, pero may nakuha namang dalawang Pokemon yung anak ko.

“So, pumasok lang ngayon sa isip ko na kanina pa ako hanap nang hanap ng Pokemon, pero eto pala ang makukuha ko – ang award sa PEP.

“Ito ang pinakamagandang nakuha ko ngayon.”

Si Wally ang itinanghal na Male Comedy Star of the Year para sa mga pagganap niya sa Eat Bulaga! at Sunday Pinasaya.

Sinabi rin ni Wally na ang mga tinatamasa niyang tagumpay ngayon ay katas ng Eat Bulaga, na itinanghal namang Variety / Game Show of the Year.

“Sobrang overwhelmed ako nang naging part ako ng Eat Bulaga.

“Kumbaga, hindi lang ako sobrang masaya, talagang tinatanaw kong malaking utang na loob ito sa kanila.

“Sobra-sobra ang utang na loob ko sa Eat Bulaga.

“Kasi noong baguhan pa lang ako na nag-aartista, sumasakay ako sa LRT, MRT, jeep, tricycle…

“One time pumara ako ng taxi, nang malayo na kami ay kinapa ko ang bulsa ko, may susi ako sa bulsa.

“Sabi ko sa taxi driver, ‘Kuya, tabi niyo na lang po.’

“So, naalala ko, nakabili na pala ako ng kotse!” natatawang pagbabalik-tanaw ni Wally.

Patuloy niya, “So, dahil ‘yan sa Eat Bulaga.

“Na nagsimula sa kotse na nagagamit ngayon ng mga anak ko sa pagpasok sa school, tapos nakabili ako ng bahay…

“Kasi noon naranasan ko, nang nagsisimula pa lang ako dito, bedspacer lang ako.

“May kasama ka sa kuwarto… sila nagyoyosi, e, ako hindi naman naninigarilyo.

“So, bilang probinsiyano, hindi naman ako maarte. Tinitiis mo na lang dahil pakikisama rin, e.

“Kaya nang nakapagpundar na rin ako ng bahay, yun ang pinakamasaya mula nang naging part ako ng Eat Bulaga.

“Kaya sobrang pasasalamat ko po talaga nang nakapagpundar ako ng sasakyan at bahay.

“And lahat po ng blessings na ito, talagang masasabi kong katas ng Eat Bulaga po, e.” -- For the full story, visit PEP.ph