Alden Richards swears he’s never done drugs
Pabor si Alden Richards sa pagsasagawa ng random drug testing sa lahat ng mga nagtatrabaho sa entertainment industry, kabilang na ang mga artista.
Pahayag ng Kapuso actor-TV host sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Yes, I agree na magpa-drug test ang mga arista.
“At least para sure tayo na walang gumagamit ng drugs among my co-workers in the industry.
“Tsaka, pagdating naman sa drug test, no one’s exempted.
“Dapat talaga may mga ganyang klaseng ano [gawain sa insdustriya].”
Nagpa-drug test na ba siya?
Tugon ni Alden, “Hindi pa.
“Pero ako, I assure you 100 percent na I never used drug in my whole life.
“One hundred ten percent, hindi ako nagda-drugs.”
Marami nang artista ang nagboluntaryong magpa-drug test alinsunod sa kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na masugpo ang paglaganap ng droga sa bansa.
Nakausap ng PEP si Alden bago siya sumakay sa kanyang kotse matapos ang launching nila ni Maine Mendoza bilang bagong endorsers ng Platinum Karaoke, nitong Huwebes ng gabi, September 22.
Status with Maine
Sa presscon proper na ginanap sa ballroom ng Manila Peninsula Hotel, sa Makati City, sinabi nina Alden at Maine na masaya pa rin ang samahan nila dahil lalo raw tumibay ang kanilang love team.
Sa tanong ng PEP kung ano na ba ang status nilang dalawa sa ngayon, halos sabay nilang sabi: “Happy.” —PEP
For more showbiz stories, visit PEP.
