ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Miguel Tanfelix explains why he is not courting Bianca Umali yet


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

Nitong Miyerkules, September 21, ang 18th birthday ng Kapuso actor na si Miguel Tanfelix.

Bilang selebrasyon, plano raw niyang magbakasyon ng isang linggo sa Singapore.

Aniya, “Ako lang po mag-isa, pero pagdating po dun, doon po ako makikituloy sa tita ko.”

Ikalawang beses lang daw niya itong mag-out of the country.

Una raw ay nang magpunta siya sa Los Angeles, California, para sa GMA PinoyTV.

Unang beses din daw niya itong bumiyahe na mag-isa at “very excited” siya.

Ano ang mga plano niyang gawin?

“Magro-rollerblade po ako sa Singapore.”

Bakit hindi niya niyaya ang ka-love team na si Bianca Umali?

Tugon ni Miguel, “Family po kasi, parang treat ko rin po sa sarili ko na magbakasyon. Magbi-video call na lang po kami, like, 'Nandito na ako sa Merlion,' yung ganun po.”

MISSING BIANCA

Magsisimula na ring ipalabas ang bagong mini-serye nina Miguel at Bianca sa GMA Network, ang "Usapang Real Love."

Makakasama nila rito si Jak Roberto.

Ayon kay Miguel, hindi sila masyadong nagkikita ngayon ni Bianca kaya nami-miss niya ito.

“Busy rin po kasi sa school, may U4U at 'Encantadia' nga po. Si Bianca naman po, busy naman po yata siya sa workshops.”

Nagulat naman si Miguel nang tanungin kung bakit may balitang nagkakalabuan sila.

“Kami po? Baka dahil lang po sa hindi kami madalas magkita, pero hindi po,” tanggi niya.

Ang tanong: Nag-level up na ba ang friendship nila ni Bianca?

Tugon niya, “Hindi ko po masasabing nag-level up, as always naman po, we’re caring with each other. Sinusuportahan namin ang isa’t isa.”

Hindi pa niya nililigawan si Bianca?

Ayon kay Miguel, “Sa mga dumarating po na blessing sa amin ngayon, mahirap pong pagsabayin. Nag-aaral pa po kaming parehas. I’m just eighteen and sixteen pa lang po siya. Marami pa pong darating sa buhay namin."

“Pero friends po kami, very close friends po.” — PEP

For the full story, visit PEP.